Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 5, 2007

Ano ba itong blog na ito?

Anu nga ba itong blog na ito? Sa English, "Hey what is this blog about?" Para sa mga nagtatanong hindi ko rin alam kung anu ang kahihinatnan ng blog na ito pero para sa kaalaman ninyong lahat ay mula ito sa dati kong ideya na lumikha ng isang libro na pinamagatang, "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" Simple lang kung tungkol saan di ba? Tungkol sa mga hinaing at dahilan kung bakit marami sa atin ang pagod na pagod na dito sa Pilipinas at gusto ng mangibang bansa kahit pa ba tagahugas lang sila ng pwet ng mga matatanda. Oppps wag po masasaktan at baka ma televise pa tayo at magkaroon ng protesta kasi totoo naman di ba?

Pero syempre hindi lang doon tayo dapat maglaan ng ating paningin dapat din nating tingnan kung anu nga ba ang magaganda pa sa ating bansa at paano tayo makakatulong sa pamamagitan ng ating mga munting ideya na mapaunlad ang ating bayan. May paraan pa di ba? Opps nakita ko umiling ka. Huwag ka namang ganyan kasi pag nawalan ka ng pag-asa paano na si Juan di ba? hala kayo wala ng silbi pagiging pangulo ni GMA pag wala ng Pilipino sa Pinas di ba? Kawawa naman siya.

O paano mga kaberks hanggang dito na lang muna at iniimbitahan ko kayo na maging isa sa mga manunulat ng ating blog na ito o kaya ay magsumite ng inyong mga naisin at opinyon hinggil sa iba't-ibang bagay. Uy nangiti siya.. oo kahit anu basta may kinalaman at syempre may katuturan. Magpadala lang kayo ng sulat sa akin sa phil_lenin@yahoo.com. Intayin ko kayo. Pakisabi na rin kung gusto nyo maging isa sa masugid na manunulat dito. SALAMAT PO!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

47 comments:

Anonymous said...

yes totoo nga, bakit nga ba tayo umaalis sa sarili nating bansa?kasi mas mataas ang sahod doon sa ibang bansa? simple lng naman mga kaibigan ang sagot diyan, ang pinakaimportante lng nama, eh dapat maging masaya tayo at maging kuntento sa kung anu man ang meron tayo, opps di qo sinabing maging mahirap na lng forever, ang sa akin lng eh maging self fulfilled tayo

Anonymous said...

Kaibigan, pwede mo bang masabi yan sa mga namumuno ng ating bansa? Na makuntento. Mukhang di makuntento ang mga mambabatas natin, senador at kung ano mang posisyon sa gobyerno. Noon, umaalis ang mga Pilipino para maghanap ng mas malaking sahod. Nayon ay iba na, maraming umaalis hindi dahil sa sahod, kundi dahil sa magandang kinabukasan para sa pamilya nila na hindi kayang maibigay ng gobyerno dahil inuuna nila ang kapakanan ng sarili nila at ng pamilya nila. Umaalis na mga Pilipino ngayon dahil sa inis na sa pamamalakad ng pamahalaan. Kahit na mgaing squater sila sa ibang bansa, pakiramdam nila ay mas may lunas at kaginhawahan doon kesa dito sa atin.

Anonymous said...

you have a very deep insight on this issue. I have taken the liberty of posting your site in my blog site.

Posted your blog's feature in my blog: check it out;
http://pinoyworld.wordpress.com/2007/11/17/pagod-ka-na-bang-maging-si-juan/

would you be kind enough in featuring my blog in you blog too. Thanks.

Me on the GO! said...

salamat po sa paglilink ng blog ko sa blogsite nio..

redraymund said...

very good issue pagod ka na rin yata sa kapapanuod at kakaabsorb ng problema ng ibang masa payong kapatid wag mo masyadong seryosohin dahil ang lahat ay may programa at nakaplano may mga paraan pa ng pag asenso ng ating bansa at gumagalaw na sila :) matagal na :)

some dreamer. said...

I am very interested to be one of the manunulat sa blog po. I am very interested in trying to make a change to the insights of the Filipinos. Change that colonial mentality that everyone seems to blame everything for. Well you know what, it's time they stop finding excuses for the corruption of our mother country, and do something about it.

juanchodlcruz said...

anybody interested in buying my 5 hectare (class a) land

property overlooking mt.kanlaon can contact me by

celfone: 09173517679 or 09179169820. it is located

near the moises padilla bridge, half of a kilometer from

the town (Magallon, Negros Occ.) proper & can either be

used for agricultural purposes, commercial or residential

since it is by the national road. It has it's own creek and

is quite irrigated the whole year through and has a

picture card perfect view of the said volcano.

Anonymous said...

Minsan nakakapagod na. kasi sa ating bansa, ang mga Juan dela Cruz represents yun nsa mababang antas ng mamayan at madaling imanipula dahil sa kahirapan. Kaya tayo naghihirap dahil Una: ibinibigay natin ang boto natin sa mga kandidato kapalit ng salapi (na barya lang kun tutuusin) Yung 500 pesos ay kapalit ng 4 na taon na dagdag hirap. Walang proyekto o livelihood projects na ibinibigay. Mga kababayan, panahon na para tayo ay matuto at magbago. Ang pagbabago at pag-asenso ay dapat magsimula sa atin. Huwag natin iaasa ang ating kinabukasan sa mga politiko na mapagsamantala

juanchodlcruz said...

unless you've tasted solitary confinement you'll never know loneliness nor its meaning
-the late gr8t ninoy
trueblue pinoy idol

for his death anniversary today
the memory remains

Brainteaser said...

Hello... this cause is worth supporting.

Question: Pwede bang magsulat sa English? It's not because mas proud ako sa English kesa sarili nating wika, pero I write more on Ilokano and English e. Hehehe. Kung marami sana makakaintindi ng Ilokano, I'll use Ilokano. :-)

Bilingual Pen
Bilingual Pen

The Islander said...

naalala ko yung dati kong blogs na na-hack. may naisulat akong post about pinoys working in iraq and in the middle east kungsaan may naicomment akong umani ng masasamang response. hehehe. truth hurts ika nga.

namimiss ko na ang blog kong yun. baka mabigyan mo ko ng chance dito. haha/

Shen said...

Salamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang pananaw at komento. Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy na naririto ang blog na ito. Sa mga gusto pong mag ambag ng kanilang mga pananaw at artikulo pwede po kayong mag e-mail sa phil_lenin@yahoo.com at pwede nyo rin po akong ikontak sa 0916-5450452

Ating pagandahin at pagyamanin ang ating bansa ito lang ang bansa natin!

Anonymous said...

lahat ng tao napapagod....katulad ng sinasabi nilang lahat tayo ay makasarili...palagi tayong naghahanap ng kulang.....masasabi ko lang po.... "find comfort with GOD"

nix_kulit said...

lahat ng tao napapagod....katulad ng sinasabi nilang lahat tayo ay makasarili...palagi tayong naghahanap ng kulang.....masasabi ko lang po.... "find comfort with GOD"
inulit ko po....hehehehe mrami pa po ako ibablog dito.....wait nyo po ako...hehehehe mwah ~_^

Shen said...

Salamat po muli at tunay nga po na we find comfort in God but finding comfort in God also means we must work in order to let God's plan work on us... hindi naman siguro ibig sabihin ng comfort eh manahimik na lang.

Sa mga gusto po magsulat sa blog na ito paki email lang po ako sa phil_lenin@yahoo.com

Salamat po!

Guest said...

dude,magkaisa na tayo,bigyang buhay ang mga bayani ng sanlahi!!!

Guest said...

ouke

Guest said...

ok mahlaga ba sila?

Guest said...

being juan dela cruz?well..nope..bakit tayo mapapagod na maging isang juan dela cruz?what is in him na nakakapagod? gaya ba ng palaging perception na tamad si juan? na hihintayin nya na lang mahulog ang bunga ng bayabas? for me that is not juan dela cruz..walang nakakapagod being juan..people simply don't notice it but si juan lang naman ang unang tumayo para tulungan ang kapwa nya..there is nothing wrong with juan alone..ang masama lang natuto siyang mangluko ng tao para mapadali ang mga bagay na gusto niyang maachive..struggles molded him to be a better person but situation form him to be corrupt..hindi naman talaga gusto ni juan maging corrupt, but another juan is pulling him to do so..bakit sa tingin nyo namimigay ng madaming bagay ang mga politikong juan tuwing malapit na ang eleksyon?because they think people will vote them if they give them something they needed..at yun ung simula nun, kaya mas mabuti pang iboto yung mga juan politicians na walang ibinibigay na anuman saiyo..at least you can slap him if he or she will become corrupt..but come to think of it..hindi lang naman si juan politician ang corrupt even the ordinary juan can be a corrupt person in a very simple things, kahit hindi nanonotice corrupt na pala sila..ARE YOU ONE OF THEM?




thank you for letting me blog on this site..i hope i can write in this site anytime i want..

David D'Angelo said...

I agree with you. Tama ka na hindi tayo dapat mapagod na maging si Juan dela Cruz. At para sa akin panahon na upang tumayo at tumindig ang tunay na Juan dela Cruz. Panahon na upang tayo ay bumangon. Ibalik ang tunay na Juan!

nani said...

sayang hindi ako botante pakiramdam ko kasi kahit dito sa malayo niloloko pa rin kami ng pulitiko kaya hindi na ko nagparehistro pero gusto kitang manalo kagabi lang kita nakita ng mag file ka ng candidacy

Izzabelle said...

kelangan lang natin ng pagmamahal sa ating bayan. kapag tiningnan natin ang history ng korea makikita natin kung gaano ka corrupt ang kanilang bansa pero dahil sa pagmamahal nila sa bayan ay umasenso ang kanilang bayan. Sana lang ay makaroon naman tayo ng mga lider na hindi makasarili. hindi ung bulsa lang ang iniisip.

Izzabelle said...

Sana ay mga tulad mo ang maging leader natin sa ating bansa. ung my prinsipyo.

MARKY0041 said...

di kasi tayong marunong matuto sa nakaraan.......
nagpapalit nga ng presidente ganon parin ang pamamalakad
sana sa 2009 iboto natin yung sa tingin natin na karapat dapat at magdadala ng pagbabago......

kailangan natin ng bagong sistema........!

at yung mga pulitiko imbis na magtulungan.... nagsisiraan pa at nagpapatayan...


kaya wag din natin iasa at isisi lahat sa kanila......

magsikap tayo ng sarili natin......
sarili lang natin ang nakakaintindi at tutulong satin ng lubos....
oh baka sabihin niyo selfish ako......eh yun yung totoo......


at sana naman sa mga pulitiko gamitin niyo sa makabuluhang paraan yung perang kinakaltas ninyo samin.......
eh ang lumalabas kami pa ang tumutulong sa inyo at sa mga tuta niyo....

magpasalamat naman kayo.......

Shen said...

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa blog na ito at iniimbitahan ko rin po kayo na magsulat o magpadala ng mga artikulo sa phil_lenin@yahoo.com. Kung gusto nyo pong magsulat dito mag email lamang po kayo.

Tayo po ang pagbabago at dapat sa 2010 iboto natin ang kandidato na kasama tayong papamunuan patungo sa isang Bagong Pilipinas.

Ako po maliwanag ang aking presidente sa 2010... walang iba kundi si Nicanor Perlas.

John Reyes Cruz said...

ganda ng talakayan dito ah sa isa lang ako natawa...kay juanchodlcruz nawindang ako

ysh said...

it was a way of fortune..
ika nga nila,, what you can't have is a will to find.
masyado na din sigurong nagiging masidhi ang nararamdaman ng bawat tao para sa karangyaang hinahanap nila..
and they doesnt care about anything else..
"kung Pilipino pa ba sila o hindi"

some people think na dapat lang na magibang bansa ang iba.
some are tolerating this kind "PILIPINO ASSET DAW" na magaling makisama sa iba..
madaling mag adjust.. pero come to think of it.
ung mga senator na nagsusulong ng mga kung anu anung propaganda para sa mga nag O-OFW ay totally waste of time.. i think the Philippines must be awarded na "ISA SA MGA MAGAGANDANG BAGAY SA MUNDO." hindi bilang .. pinakamagandang kasama sa bahay.. magagaling na HELPER o kung anu anu pa.

i think they should go first with the basics..
d2 sila maglagay ng mga trabaho!
paunlarin ang economiya ng bansa.!
gawing hassle-free ang maynila.
gawing makabago ang takbo ng komonikasyon sa probinsya!

reporma ang kailangan !

hindi banner ng kandidato sa daan!!


grabe :)

im irish 18 y.o from qc

diana jean respicio said...

,ang mga pulitiko ba ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga mamamayan dito sa pinas?.please answer,tnx

ann said...

www.thefountainyield.co.cc

Anonymous said...

kung elksyon ang pg uusapan nkkpagod tlaga mging c juan dahil bulok p rin sistema ng comelec khit computerize election n wla tlaga tayo mpapala s mga nsa gobyerno kundi mgtiis...pisting yawa

ynalane said...

Pahirapan na kasing humanap ng pagkakakitaan dito sa Pilipinas, meron man sobrang liit ng kita. Tignan mo kahit tuloy pasentisentimo na dolyar pinapasok na rin, kaso karamihan scam.

junediaz said...

I apreciate the person behind this blog site kasi nailalabas ang mga saloobin nating mga pilipino.

Sa mga na obserbahan ko sa aking paligid dito sa pilipinas tayong mga pinoy ay may malaking pagkakaiba sa ibang lahi. Nasasbi ko yan dahil nakihalobilo na rin ako sa ibang lahi sa ibang bansa, sa tulong ng aking propesyon bilang seaman.
Masaya ako bilang isang pilipino dahil kahit saang sulok ng mundo ay kilala parin tayo sa pagiging friendly at kind heart.

Taliwas lang ay ang mga pilipinong may crab mentallity sa kapwa nila pinoy. Ang problema lang kasi sa atin ay ang kakulangan sa disiplina, tulad na lang halimbawa ng tamang pagtapon ng basura. Kung meron sana tayong disiplina sa ating sarili magkakaroon tayo ng malinis na pag iisip sa ating gingawa.

Yan lang po ang gusto kong iparating sa ating mga kababyang pilipino.........Disiplina lang po sa Sarili!!!!!!!

Ipinamamalaki ko po na ako ay isang tunay n pilipino.....kayo,kaya nyo ipagmalaki na kayo ay isang tunay na pilipino?

maraming salamat po!!!!!!!

David D'Angelo said...

Tama ka dyan June... tunay ngang disiplina ang kailangan nating mga Filipino at tunay na serbisyo at pagmamahal sa bayan. Sa mga patuloy na tumatangkilik ng blog na ito maraming, maraming salamat po sa inyo.

Sa mga gustong magpadala ng kanilang mga istorya at artikulo pwede po kayong magemail sa shenbrood162gmail.com. Salamat po!

Tine said...

Aba may ganito pala. Interesting. I like it.

www.tinesabillo.wordpress.com

David D'Angelo said...

Yap meron nga po at salamat sa pagbisita sa blog na ito. Sa mga gusto magcontribute at maging author dito pwede nyo ako email sa shenbrood16 at gmail.com... Salamat po!

shenbrood said...

Paano kaya ito maintegrate with Disqus... I am having problems importing my old comments. :(

Jepoi Ordaniel said...

Perfect!!! This is an ONLY in the PHILIPPINES THING! This should stop. We remain poor because of unethical behaviors like this.

I love this blog... so many alternative ideas I happen to support as well.

Here is my blog: www.insidemybackpack.blogspot.com

Thanks

Shen Brood said...

Thanks for visiting at sana sama-sama nating mapaunlad ang ating bansa :)

Mitz_austria said...

the blog was ok!!!!!! good,so nic3 keep it up at sana all filipinos will be.......together as one and sna magkaisa tayong lahat para s kaunlaran ng ating bansa

Shen Brood said...

Maraming salamat sa inyong suporta... ang blog na ito ay para sa ating lahat at kung mayroon kayong nais iparating email nyo lang po ako sa shenbrood16 at gmail dot com.

Sama-sama po nating paunlarin at iangat ang ating bayan!

Dongsal Agsulay said...

sa gulo ng mga dinadanas natin ngyun,, at kahirapan hindi na natin alam kon sino ang ating lalapitan at kakapitan,, kaya napag icipan namin na buohin ang REDSUN,na walang ibang hangad kondi ang makatolong sa bayan,.at nag hahanap kami ngyun ng tao na makaktolong samin,, may natira pa na handang gawin ang lahat para sa ikararami

Ambrosius19_90 said...

tanong ko lang...kelan exact date nd movie preview ng TAMBOLISTA...?cuz i really2 want to watch it...or any sites where i can download this indie films?

shenbrood said...

Will check withy indie film friends. Mas maganda na pag nag showing locally
panuorin natin sila para masuportahan na rin.

Val Lacayanga Jr. said...

Hello sir David, Through this blog, i encouraged to write my own blog. naging inspirasyon ka po sa lahat ng mga kabataang pilipinong nag aalab ang puso para sa bayan. Dahil po sa inyo at sa tulong na rin ng blog na ito ay muling nabuhay ang silakbo ng aking damdamin para sa bayan. Aasahan nyo pong akoy lagi mong kasama sa pagtupad ng iyong mga mithiin para sa Bansa.Ikinagagalak ko rin po kung akoy mapapabilang sa mga contributors ng iyong blog. At tatanawin ko pong isang karangalan kung bibisitahin po ninyo ang aking blog www.simplengbuhaypilipino.blogspot.com

maraming salamat po at pagpalain ka pa ng Diyos, siksik, liglig at umaapaw na pagpapala sa iyo at sa boung pamilya mo.

Hanggang sa muli, Kaibigan.

valboo..

shenbrood said...

LinkedIn
------------



I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.

- David

David D'Angelo
Communication Officer at Peace Tech Incorporated
Philippines

Confirm that you know David D'Angelo: https://www.linkedin.com/e/yplifn-gy2jb7j0-4c/isd/5726816226/VH1Ta7pV/?hs=false&tok=2bNmqKpReUKl41
--
You are receiving Invitation to Connect emails. Click to unsubscribe: http://www.linkedin.com/e/yplifn-gy2jb7j0-4c/tApv6F18Qqgg9ifFmTzOqwBJiuYM4e3gU3JZLQ1L_sZY_a7nDRs3/goo/notifications-7TEXEV97PI%40disqus%2Enet/20061/I1992713041_1/?hs=false&tok=0k34zgFQuUKl41
(c) 2012 LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct, Mountain View, CA 94043, USA.

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------