Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 19, 2007

Modus Operandi sa Bus

Sa hirap ng buhay lahat na lang ay gustong makalamang. Nakakaawa naman tayong mga Pinoy kasi kahit kapwa natin ay nilalamangan tayo... Eto po ang isang totoong kwento tungkol sa modus operandi ng ilang bus:

hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....

AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka.... (based on my own experience sa isang aircon bus....)

Last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket (going to baguio ) sa victory liner cubao. Sumakay ako ng aircon bus from victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in ortigas)

...ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor... binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pina alala ko uli ung sukli ko sa konduktor... tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"...... ."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor... (luminga- linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

Sabi ng kundoktor... "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH...

medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...YUNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

Dun na kami nagkasagutan. ...at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ..."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.. Tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko yung ginawa nung kundoktor nya....

Eto ang sabi nung driver.... ' ABA ..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... yung kondukto... yung driver at yung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni.... Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na
... "MISS...MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR... KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong- pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver... ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor... .

Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa... Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari... pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR... .UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI
AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

So samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinangnan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: