Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 14, 2008

Cebu Inmates Dance Inspires Grade 4 Students

Nang makita natin ang mga sumasayaw na preso mula sa Cebu tayo ay namanghang lahat at sinabi na pwede pala na maging ganoong kaayos at kagaling ang mga preso. Kaya pala nilang gumawa ng mga ganoong bagay. Ang video nila sa YouTube ay umani ng maraming papuri at manunuod.

Sa Baliuag, Bulacan isang grupo ng mag-aaral na nasa ika-apat na Baitang ang kumuha ng inspirasyon mula sa mga bilanggo ng Cebu at sinayaw ang kanilang rendisyon ng Rico Mambo. Ito ay buhat na rin sa ideya ng kanilang guro.



Gumamit sila ng mga "recycled" na materials at pinanatili ang kulay "orange" na tanda ng kulay ng mga preso. Totoong nakaka inspire ang ganitong mga kaganapan sa ating bansa at sana mas marami pang bilanggo ang magkaroon ng makabuluhang rehabilitasyon.

Sa mga Grade 4 students ng Marian College saludo kami sa inyo lalo na sa inyong guro na sina Teacher Mercy, Teacher Susette at Teacher Janina.

Eto naman ang orihinal na Rico Mambo mula sa Cebu Inmates.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: