Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, February 19, 2008

Mga Pananaw ni Rep. Teddy Casiño ng Bayan Muna kay Jun Lozada, sa GMA Resign at sa Pagbabago

"Nagsasabi ng totoo si Jun Lozada," "Matagal na dapat nagresign si Pangulong Arroyo," "Ang isa sa solusyon ay kung sino ang nasa poder," at "Dapat tayong maging mapagmatyag." Yan ang ilan lamang sa mga salitang binitiwan ni Kinatawan Teddy Casiño ng Bayan Muna ng amin syang kapanayamin sa araw na dapat ay Youth and Legislator's Forum sa Kongreso subalit ang kabataan ay sumusuporta kay Jun Lozada sa Senado.


Mensahe ni Rep. Casiño hinggin sa GMA Resign at Jun Lozada Expose

Nagpapasalamat kami kay Rep. Casiño sapagkat binigyan nya kami ng pagkakataon para makapanayam sya at matanong tungkol sa iba't-ibang isyu at mahingan pa ng pahayag. Narito ang aming Q and A sa kanya...

Interview with Teddy CasiñoQ. Ano po ang masasabi ninyo sa nangyaring pagpapatalsik kay former Speaker De Venecia?

A. I voted against it because I believe that it is part of the coverup for the ZTE expose. It is also a retaliation against the expose of the speaker's son, Joey de Venecia. I don't mind changing the leadership in the house but this move came at the wrong time and for the wrong reasons.

Q. Sir, dun sa expose ni Jun Lozada anung masasabi nyo?

Jun Lozada is a very credible witness. Palagay namin nagsasabi sya ng totoo and nakakatuwa dahil isa lang syang player dito e napagutusan sya ni Sec. Neri. Sa maliit nyang nalalaman dito talaga naghihinch ang mamamayan because he is telling the truth. Ang importante talaga dyan magsabi ng katotohanan yung mga nasa gobyerno mismo na directly involved sa project. Jun Lozada is giving us the lead collaborating previous testimonies. Ang malaking silbi ni Jun ay yung malaman na meron pa palang nagsasabi ng katotohanan at kailangan yung iba pa magsabi na rin ng katotohanan.

Q. E dun sa call na magresign si Pangulong Arroyo anung reaksyon nyo?

Matagal na dapat nagresign si Arroyo but with this latest development natural na muling buhayin ang panawagan na siya ay magresign. Sana ay magkaroon naman ng katuparan itong mayoryang minimithi ng ating mamamayan. Since 2005 naman ganyan ang lumalabas. Sana yung mga factors para maganap ang ganyang mga pagbabago ay maganap na pero hindi pa natin alam kung anu ang kahihinatnan.

Q. Pag ba pumalit si Noli bilang Presidente may mababago ba?

Walang assurance pero mas may pag-asa at posibilidad na magkaroon ng pagbabago kesa manatili sa pwesto si GMA. Kung si Noli ang pumalit mapressure sya to come up with an honest to goodness governance at ipawalang bisa ang mga current agreements. May tuloy-tuloy na public pressure for him na wag gawin yung ginawa ng kanyang predecessor. Ngayon kung hindi pa rin sya magmeet sa standards ng mamamayan pwede naman syang palitan. Ang importante ngayon kumikilos na ang mamamayan at I hope hindi lang papayag sa simpleng pagpapalit ng opisyal. Ang pagbabago should be much deeper kundi sa systematic approach na hindi lang sa pagpapalit ng tao.

Q. Meron bang move na ginagawa ang opposition para maimpeach si Arroyo?

Technically hanggang September wala pa magagawa dito kasi may one year ban pa. Pero tingin ko yung pagpapanagot hindi lang through impeachment there are congressional investigations, sa publiko, sa media, sa mga rallies at iba pang forum madedemand natin ang accountability ng public officers. Lahat yan is a process educating and arousing our people to act. Hindi lang naman kasi pwedeng nagsasalita lang tayo at education lang ang makuha. Tingin ko yan ang silbi ng mga rally na mula sa level ng pag-alam dun tayo pagpunta sa pagkilos.

Q. Sa tingin nyo ano ang pangmatagalang solusyon sa problemang pulitikan ng ating bansa?

Ang isang solusyon kasi dyan kung sino ang humahawak ng poder. Ang mamayan kasi ay laging nandyan demanding for good governance ang problema kasi yung political elite na may hawak ng kapangyarihan ng ilang dekada na hindi sya talaga tumutulong sa gusto ng mamamayan. Hanggat the same old families ang andyan paulit-ulit lang talaga. Hanggat hindi nakakakuha ng kapanyarihan ang mga forces na more allied to the grassroots mahihirapan tayong makuha ang reforms. Ang mga pulitiko naman lahat yan nangangako ng pagbabago ang bottom line kung sila pa rin ang ilalagay mo dyan wala rin.

Q. Anu po ba ang agenda ng Bayan Muna sa 14th Congress?

Ang agenda ng Bayan Muna very modest wala naman kaming ilusyon dito na mababago natin ang buong character ng Congress. Kahit kami andito Congress remains the Congress of the elites. At the minimum yung boses ng aming constituents ay naririnig. Pinapaugong namin ng husto dito yung isyu ng labors, farmers, youth and other opressed sectors nadadala namin. Whether magkakaroon talaga ng matinong batas because of that yun na talaga yung bonus dyan. Knowing naman yung leadership dito talagang abot ka lang hanggang second reading posible hanggang third reading . Pero paminsan-minan may nakakalusot like yung sa Public Attorney's Office. Hopefully itong sa bill against torture and forced disappearances makalusot.

Interview with Teddy Casiño Interview with Teddy CasiñoInterview with Teddy Casiño







Ang panayam na ito ay mababasa rin sa:

1. BROOD Online - The Information Exchange Portal (kasama ang link sa pagdownload sa orihinal na audio interview file)

2. The Good and the Bad News Around Us

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: