Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, February 29, 2008

Kaya ng Pinoy na Maging Dakila! ( We Can Be A Hero! )

"Kaya Mong Maging DAKILA" ito ang titulo ng bagong kantang likha ni Noel Cabangon na kinanta at sinaliwan ng mahigit na 25 na mang-aawit sa ating bansa. Masdan at pakinggan ang awitin sa ibaba...


Kaya mong maging dakila


Isa ako sa naniniwala na kaya ng Pinoy maging dakila. Kaya ng mamamayan ng bansang ito na lumaban at umahon sa lugmok ng korupsyon at katiwalian. Higit pa ito sa pagpapalit ng pangulo at ng mga namumuno. Kailangan dito ng CHA-CHA! Subalit hindi Charter Change kundi Character Change.

Kailangan natin ng isang rebolusyong moral at kultural! Isang pagbabago na magmumula sa bawat isa sa atin. Kailangan nating baguhin ang sistemang pulitikal sapagkat sa napakatagal na panahon ay ito ang patuloy na nagpapahirap sa atin.

Hindi komunismo o anu pa mang nismo ang sagot. Ang sagot dito ay isang sistemang makatao, makatarungan at tunay na magtataguyod sa interes ng ating bayan. Kasama ng iba pang mamamayan ang aking panawagan ay GLORIA RESIGN... subalit pagkatapos noon ay dapat na mas suriin pa kung anu nga ba ang problema.

Putulin ang sistema ng kurakutan! Putulin ang lagayan sa pamahalaan! Putulin ang sistema ng monopolyo sa pulitika!

Tama na! Sobra na! Panahon na ng tunay na pagbabago!

At walang ibang magsisimula noong kundi tayo. Tunay na kaya nating maging Dakila.

Para sa ipa pang detalye at lyrics bumisita sa MIND RELAXING IDEAS

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: