Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, February 13, 2008

MABUTING BALITA: Pisay Panalo sa International Film Festival of Asian Cinema sa Vesoul, France

Isa na namang independent film na gawang Pinoy ang nanalo ng isang prestiyosong karangalan mula sa International Film Festival of Asian Cinema sa France. Bukod dito sila rin ang nanalo ng "Audience Prize".

Ang "Pisay" ay isang simpleng istorya ng mga mag-aaral sa Philippine Science High School. Dyan nga dapat ako mag-aral nung high school kaso hindi ako pinayagan. Ang pelikula ay dinerehe ni Auraeus Solito, PSHS ’86, at nagwagi rin ng Best Director, Best Production Design and the Audience Choice Awards sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival



Umiikot ang kwento sa buhay ng walang estudyante na nakapasok sa primera klaseng paaralan noong 1980s kung saan ang ating bansa ay sumasailalim sa matinding pagsubok. Nasaksihan ng mga batang ito ang mga pagbabago at kaguluhan ng panahong iyon hanggang sa pagbagsak ni Marcos noong People Power revolution ng 1986.

Hinarap ng mga tauhan sa Pisay ang sari-saring pagsubok sa kanilang paaralan... mula sa kanilang tunggalian sa paghahangad na makatapos, sa mga guro, kaklase, pamilya, mga namamahala ng paaralan at ang bagong sistema ng pagbabahagi na kung saan ay ibabase sa "academic rankings". Ito ang kanilang pagtuklas sa kanilang mga sarili.

Isang napakagandang kwento na akmang-akma sa karangalang ibinigay. Muli ay isang pagbati at pagpupugay!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: