Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 14, 2008

Maligayang Araw ng mga Puso!

Araw ng mga puso na naman at sigurado puno na naman ang lahat ng motel at hotel sa Pilipinas. Nakakapagtaka nga lang kung bakit ito ang pangunahing pinupuntahan ng mga magsing-irog... para bang ang "sex" at pag-ibig ay pinagiisa.

Ang pag-ibig ay higit pa sa pagtatalik at yan ang ating dapat tandaan. Ang pag-ibig ay isang emosyon na siyang nagpapagalaw sa lahat ng bagay. Ito ang bumubuhay sa mga nilalang. Ang pag-ibig ay isang emosyon na kung saan hindi ito naghahanap ng kapalit.

Hindi lang mga magsingirog ang nakakaramdam ng pag-ibig sapagkat ito ay nasa marami ring bagay. Ang pag-ibig ay gaya ng pag-ibig ng mga magulang sa kanyang mga anak. Walang hinihinging kapalit at puno ng sakripisyo.

Ang pag-ibig sa pagitan ng magkaibigan na puno ng pagtutulungan, pag-alalay at pagpupunyagi para sa bawat isa. Ang pag-ibig sa pagitan ng magsing-irog na iniaalay ang kanilang puso at buhay para sa bawat isa.

Sabi nga ng isang sikat na kanta, "Love makes the world go round," at totoo nga... ito nga ang nagpapakilos sa mundo sapagkat kung wala ito hindi na magiging masaya at maayos ang mundo.

Happy Valentines!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →