Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, February 15, 2008

Where are the Filipino Youth? The Answer (Ang Sagot)

Nasaan nga ba ang kabataang Filipino habang nangyayari ang mga kontrobersya sa ZTE at ang katakot-takot na pangyayari sa ating pamahalaan? Napagod na nga ba sila o ayaw na nilang kumilos?

Ang mga susunod na kasagutan ay batay lamang sa aking opinyon bilang isang lider na rin ng kabataan at nagmamasid sa mga nakaraang pangyayari kung saan nakilahok ang mga kabataan ng ating bansa at naging sanhi ng mga pagbabago sa ating bayan.

Nasaan ang kabataan? Sobrang busy sila sa pagtratrabaho sa mga call centers at pagtulong sa kanilang mga pamilya upang sila ay hindi magutom. Sa sobrang hirap ng buhay napagtanto ng karamihang kabataan na mas mahalaga ang unahin ang kanilang pansariling kapakanan kaysa ibigay ang panahon sa mga pagbabagong ang resulta ay hindi naman nagiging mabunga.

Nasaan ang kabataan? Sobrang busy at nagalaro ng Ragnarok, Khan, Panya, Rhan Online at iba pang online games. Busy sa pagpapalevel kasi mas mabuti pa dun at nagkakaroon ng katuturan ang kanilang pagtitiyaga kasi kahit papaano nakikitaan nila ang improvement ang kanilang mga virtual characters.

Nasaan ang kabataan? Busy sa pag-aaral at subsob sa mga thesis sa paaralan. Dahil sa globalisasyon kailangang maging competetive ang mga kabataan kung hindi wala silang mapapasukang trabaho.

Nasaan ang kabataan? Busy sa lovelife sapagkat sa pamamagitan ng pagmamahal ay nakikita nila at nararamdaman ang pagmamahal na hindi nila nararanasan sa tahanan sapagkat kailangang magtrabaho ng kanilang mga magulang upang mabuhay sila... minsan pa nga sa malalayong bansa sila nandun.

Yan ang sitwasyong kinakaharap ng kabataan at idagdag pa rito ang parang pagsasawa na sa kawalan ng pagtupad ng mga nalulukolok sa puwesto sa mga pinangako nila. Katwiran ng marami kahit sino namang maupo ganun at ganun pa rin ang mangyayari.

Nawala si Marcos... nawala si Erap... may nagbago ba? Patuloy na naghihirap ang bansa kahit pa ba sabihin ni GMA na umaangat na raw ang mga kung anu-anong umaangat... ang katotohanan may nakakaramdam ba nito. Ako na lang na nagsusumikap magkaroon ng sariling kumpanya at isang entrepeneur ay napapakamot sa laki ng buwis na binabayaran... tapos saan mapupunta? Sa bulsa ng mga buwaya sa pamahalaan.

Ang kailangan ng bansang ito ay isang totoong pagbabago na pasisimulan ng mga kabataan. Mga bagong lider na mula sa hanay ng kabataan... sila naman ang dapat mamunod... huwag na nating ipalit ang mga sinasabing makatao at mga may malasakit na lider na nakaupo sa ngayon. Humanap tayo ng isang lider na maaring magpunyagi sa atin at gamitin ang kapangyarihan ng kolektibong pagkilos at pagbabago.

Asan ka na kabataan? Kumilos ka at bumangon... ibangon natin ang bansang nilugmok ng mga lider na hindi pinagsilbihan ang bayang ito ng tapat!

Oras na ng bagong sistema! Oras na ng pagbabago!

Pagbabagong nakatutok sa konkretong paggawa at mga programa... pagbabagong hindi lamang nakabase sa pagsigaw sa kalsada kundi sa aksyon upang solusyunan ang mga problemang ating kinakaharap.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

8 comments:

ka_peewee said...

marami sating mga kabataan and nag-aabang na lamang sa mga susunod na mangyayari, marahil ay sawa narin tayo sa mga isyu tulad ng katiwalian sa pamahaan subalit hanggang kailan tayo magbi-bingi-bingihan? sama-sama tayong kumilos at iparamdamang ating matinding poot sa mga kabulukang ito. ngayon na kaibigan!!!!!

Shen said...

Ang problema pagkaalis ni Gloria paano natin aayusin ang sistemang bulok? Hindi lang si GMA ang problema kundi ang mismong sistema...

Benjamin Pablo said...

Alam ko ang gusto mong mangyari, sumali sa gulo, at magkaroon ka ng pagkakataon samnatalahin ito, at agawin ninyo ang gobyerno, hindi ba? The Pilipino youth are not that NAIVE anymore, Dude!

Shen said...

Ha? Anung pinagsasasabi mo? Sana ay palalimin mo ang iyong pagbasa ng sa gayon ay mas maintindihan mo... sino ba sa ating ang tanga o bobo... baka naman ikaw? Wala naman nagsasabing naive sila eh nagiging passive na lang. Anu ba ang gusto mo maging walang pakialam na katulad mo ang lahat ng kabataan? Nakakaawa ka naman dude!

Benjamin Pablo said...

Ikaw ay imutil, you underestimate the Pilipino youth with your stupid Idea, Apo raw ni FDR at ang Lola niya ay isa sa nakaligtas sa "death camp" ni Hitler! Wow! at si HITLER,ang idolo mo at si Lenin.

Ikaw ba'y nakakalbo na,magpalit ka ng propesyon sa Comedy ay maaring umasinsa ka!

Maaring malapit ka sa Mandaluyong magpatingin ka Dude, maaring hindi na makukuha sa patapal-tapal ang sintomas mo at marahil kailangan na ang head transplant.

Shen said...

Pakicheck nga ng mga spellings mo rin sobra ka yatang nagmamadali at mali mali spellings mo. Wala ako sinabi na nakaligtas sa death camp ang Lola ko baka mali ka ng pagkaintindi ang sabi ko ang mga magulang ng tatay ko ay isa sa naging biktima ng death camp ni Hitler. Kahit mo pa sabihing sira ulo ako totoo naman yung sinasabi ko na nasa ancestry line talaga ako ni FDR although hindi sya direct at hindi ko naman hinihingi na paniwalaan mo ako.

Nakakaawa ka naman kasi pamemersonal ang ginagawa mong komento. Alam mo ba na ang ganyang klaseng komento ang pinakamababang uri ng "debate" o "reasoning" ingredient. Sino kaya ang sira ulo sa atin ikaw o ako?

Gaya ng sabi ko hindi lang naman ang negatibo ng isang tao ang tinitingnan ko kundi pati ang positibong side niya. Sa leadership ay napakagaling ng dalawang lider na ito. Si Hitler, sayang sya kasi sa hindi nya maganda ginamit ang kanyang galing at si Lenin sayang kasi hindi nya nabigyang linaw ang tunay na pagkakapantay-pantay na gusto nya.

Salamat pa rin sa iyong kumento at least ibig sabihin binabasa mo ang sinulat ko... nga pala hindi ako nag under estimate ng Filipino youth... ito ang katotohanan na aking naoobserbahan at gaya ng sabi ko ito ay aking opinyon lamang. Kung maniwala kayo o hindi nasa sa inyo na yun wala namang sapilitan dito eh.

Muli salamat!

Benjamin Pablo said...

Sa mga sulat mo, ang sabi mo ay ang idolo mo si Hitler at Lenin, dahil sa matalino at ibig mong mangyari ay maging tulad kanila, naunawwan mo ba ang kanilang ginawa sa sangkatauhan? Kung sa bagay hindi kita sinisisi, you have all the right, nasa Democracia ka, at may kasabihan birds of same feather flock together.

Hindi ka na nadala, nabuko ka na, ibig mong palitan ang Pilipinas ng "maharlika" (maliking Titi), dapat kung ikaw ay matino ay natuto ka na, at ng hindi ka pagtawanan.

Mon Ram said...

It would be nice to just focus on the issues -- if we can help it -- rather than dwell on the personal. After all, we really have not met most of those in this egroups quite apart from the fact that we are just guests of Alex Kho, the owner of this cyberspace tambayan.