Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, March 20, 2008

Pag-alala sa Sakripisyo ni Hesukristo ngayong Semana Santa

Kahapon nagpadala ako ng isang mensahe sa mga kakilala ko gamit ang SMS o Text at simple lang ang aking sinabi...

"Dapat ba tayong malungkot ngayong Mahal na Araw? Dapat ba nating ipagluksa ang panahong ito gayong sa panahong ito ay tinubos tayo ni Kristo? Sa pagsasakripisyo niya at pagkapako sa krus niligtas niya tayo sa ating mga kasalanan kaya dapat ay maging masaya tayo at magpasalamat sa sakrispisyong kanyang ginawa."


Sakripisyo at pagpapakasakit, ito ang diwa ng mga Mahal na Araw. Isang diwa na dapat taglayin ng bawat isa sa atin. Kung tunay natin itong isasabuhay at hindi lamang gagawin bilang pagsunod sa nakaugaliang tradisyon ng Mahal na Araw, hindi ba't magiging mas maganda at maayos ang bayang ito?

Nawawala na ang mga katangiang ito sa bawat isa sa atin. Wala na ang sakripisyo at pagpapakasakit. Sa mga mamamayan andyan na yung nais na kumit ng mabilis, pagkainggit sa kanyang kapwa, paghihilahan pababa at pagsisiraan, walang pakialamanan at iba pa. Mga ugaling hindi dapat taglayin ng mga tunay na Kristiyano.

Anupa't kayraming nangingilin, sumisimba at sumasama sa mga prusisyon sa panahong ito, mayroon pa ngang nagpapapako sa Krus. Subalit pisikal bang pagpapakasakit angdapat nating gawin? Sa palagay ko ay isang pagpapakasakit at sakripisyo para mas maging kapaki-pakinabang tayo sa ating kapwa at sa bayan.

Sa mga nasa pamahalaan lalo na sa ating Pangulo na ngayon ay binabatikos dahil sa korupsiyon kailangan ng matinding sakripisyo. Sakripisyo at pagpapakasakit na maging totoo at harapin ang katotohanan. Kung totoong nagkasala laban sa ating bayan hindi ba't mas dapat na bumaba na sa puwesto at hayaang mas maging maayos ang bayang ito?

Walang perpektong tao pero kaya nating mas maging ganap na Kristiyano... hindi lamang sa pagtalima sa mga gawaing tradisyunan na ginagawa kundi sa tunay na kahulugan nito... sa ISIP, sa SALITA, at sa GAWA.



Nawa'y maisabuhay natin ang diwa ng Mahal na Araw sa ating pamumuhay hindi lamang ngayon kundi sa bawat araw ng ating buhay.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: