Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, April 6, 2008

LUHA NG INANG BAYAN

LUHA NG INANG BAYAN
Mary Joy S. Joaquin


Aking nasilayan ang sikat ng araw
Matapos ang madilim at gabing mapanglaw
Muling lumatag ang liwanag ng mga ilaw
Dala sana'y pag-asa't panibagong araw

Ngunit paano makahahanap ng pag-asa
Kung sa umaga palang ay nakikipagbuno na
Pilit na nakikipagsapalaran sa mga problema
Mga puwersang di matakas-takasan dahil sa huwad na sistema

Masikip na trapiko, dala'y sakit sa ulo at katawan
Katulad ng hustisyang 'di umuusad, 'singkupad ng mga sasakyan
Kalian makahahanap ng liwanag at katarungan?
Upang maibalik hinahangad na kapayapaan

Mga mag-aaral na walang libro ng karunungan
Salat sa magandang halimbawa ng kanilang mga magulang
Mga lider na gahaman sa kapangyarihan
Ito'y iilan lamang sa mga dagok ng lipunan

'Sandaang taon na rin ang lumipas
Katawan nina Bonifacio't Rizal, tuluyan nang naagnas
Nitso ng mga bayani, nilumot na't naluma
Subalit tayong mga Pilipino'y hindi pa rin malaya

Tayong mga Pilipino, bilanggo sa'ting sariling bayan
Mga tau-tauhan ng sarili nating pamahalaan
Kailan makahahanap ng liwanag at katarungan?
Upang mawasak ang tanikala saating katauhan

Patuloy pa rin, digmaan at madugong labanan
Sa pagitan ng mga Muslim at ng pamahalaan
Sino ang kalaban? Sino'ng may kakayahan?
Upang magwagi sa digmaang walang katapusan

Pagdami ng populasyon, hindi mapigilan
Dahil sa mamamayang kulang sa kaalaman
Mga pobreng kapus-palad, nagtitiis sa kagutuman
Dahil sa kanilang buhay na sadlak sa kahirapan

Karamihan sa mamamayan, walang maayos na tirahan
Walang magawa dahil sa kurakot na pamahalaan
Tangi nilang pag-asa, nilalangaw na basurang pinaglumaan
Na inayawan ng mga barbaro't matapobreng mayayaman!

Kailan makaaahon sa kahirapan
Ang ating naghihikahos na Inang Bayan? Kailan?
Patuloy na lang bang mangangapa sa kadiliman?
Sanhi ng bulok at walang kwentang pamahalaan

Bakit nananatili paring walang kasalanan
Ang mga opisyal na sakim sa kayamanan?
Kailan tayo magigising sa katotohanan
Na ang dapat mapakinggan ay ang boses ng mamamayan?

Sana nama'y maramdaman ng pamahalaan
Ang mga sanhi sa pagluha ng Inang Bayan
Mga kaulaya ni Juan sa kanyang paglayag sa karimlan
Sa karimarimarim na kawalan

Ang dapit-hapon ay muli nang dumating
Ang kadiliman ay malapit nang maghasik ng lagim
Mga kriminal na nangunguha ng mga bata
Tanging hangad ay laman-loob na sariwa…

Mary Joy S. Joaquin is a sophomore high school student at Woodridge College in Molino, Bacoor, Cavite. She is a prolific novelist and poet at her young age.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Shen said...

Tama nga ang nilalaman ng tulang ito at sana mas marami pa ang magising at mabuhay hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating Inang Bayan!