Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 19, 2008

Ang Tunay na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)

Anu nga ba ang tunay na land reform na dapat sa ilalim ng CARP? Napakatagal na ng usaping ito subalit hanggang ngayon ay tila walang katapusang usapan. Nakatanggap ako ng isang email mula kay Rep. Teddy CasiƱo at andun ang ilan sa mga pahayag nya ukol sa dapat ay taglayun ng isang tunay na CARP.


Nagbigay din ako ng aking personal na opinyon ukol sa kanyang mga pananaw... basahin ang mga pananaw sa ibaba...

1. It should be truly comprehensive, covering all lands classified as agricultural, used for agricultural purposes, or suitable for agricultural production. Walang exemptions, at prohibited ang land conversion to escape the program. A prerequisite would be a resurvey of all lands involving all stakeholders at the community level.

Napakagandang mungkahi nito na dapat ay noon pa lamang simula ng CARP isinagawa. Gagastos din ng malaki ang pamahalaan para dito.

2. Land should be expropriated and given free to the farmer-tillers. This is what will truly liberate the farmers from bondage kasi sa present CARP law, iniba lang ang form of feudal bondage: ang dating tenant ay naging mortgage holder na parehong naghihirap at baon sa utang.

Siguro naman kahit papaano dapat ay bayaran din ng mga magsasaka yung lupa. Sa akin kasing pananaw kapag ang isang bagay ay ibinigay ng libre mas mababa ang pagpapahalagang ibinibigay dito ng nakakatanggap kaysa sa isang bagay na pinaghirapan mo. Saka hindi rin naman lahat ng may-ari ng lupa ay nakuha ang kanilang lupa sa hindi magandang paraan... nagsikap din sila para mapalago ang kanilang mga negosyo.

3. Just compensation should be based on objective criteria, mainly the tax assessments on the land. Sullied lands (i.e. those acquired through fraud, deception, intimidation, force, etc.) should be confiscated and covered by the program. Lands operated by foreign firms should be nationalized and covered as well.

Dapat lang na makatarungan ang ibabayad ng mga magsasaka at dapat din na kunin ng pamahalaan ang anumang lupa na nakuha sa hindi tamang pamamaraan. Para nalam sa mga lupang operated ng mga banyagang kumpanya siguro ay dapat munang isaalang-alang dito ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa.

4. The land should be tilled by the farmer-beneficiary. Hindi pwedeng makakuha ka ng libreng lupa tapos ibebenta, isasangla, o ipapatrabaho mo lang sa iba at mag-aasta ka ring landlord. If the beneficiary can't till the land anymore, pwedeng ipasa sa heirs provided they also till the land. Otherwise, ibibigay sa ibang qualified farmer-tillers.

Yan ang tama! Nabigyan ka ng lupa tapos hindi mo pala gagamitin.

5. Farmer tillers should have the option of collectively farming their lands to maximize productivity and economies of scale. But they should be in full control of the collective farm.

Dapat nga na collective farming ang gawin ng sa gayon ay mas maging produktibo talaga at mas maging malakas ang kanilang pwersa sa pagbebenta ng mga produkto nila.

6. There should be full state support for farmer tillers to ensure that they become productive and earn more.

For those interested, a copy of our alternative bill (House Bill No. 3059) is posted at the Bayan Muna website . Comments are most welcome.


Teddy

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: