Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 26, 2008

Makatarungan Bang Putulin ang 4,000 na Puno sa Mt. Kanlaon?

Tama bang isakripisyo ang 4,000 puno para lamang sa paghahanap ng enerhiya sa isang lugar na kung saan ay libo-libong mga halaman at hayop na karamihan ay endangered na? Ito ang katanungang bumabagabag sa akin ng sabihin sa akin ni Bea Misa, Secretary General ng Youth for Sustainable Development Assembly o YSDA ang katotohanang ito.

Walang iba kundi si DENR Secretary Lito Atienza ang nag issue ng permit para sa pagpuputol na ito. Tama ba ito? Sino ang magmay-ari ng nasabing geothermal plant? Walang iba kundi ang mga Lopezes na patuloy na hinahawakan ang bawat mamamayan sa leeg sa pamamagitan ng mahal at di makatarungang singil sa koryente.

Ako ay nababagabag sa mga ganitong bagay at nagtatanong kung nag-iisip pa nga ba ng tama ang mga nasa DENR at nakaluklok sa pamahalaan. Para sa akin ay napapanahon na isama sa ating Saligang Batas ang pagiging isang Green Republic ng ating bansa. Naniniwala ako na kailanman ay hindi dapat ilagay sa alanganin ang ating kalikasan.

Kalunos-lunos na mga kaganapan na ang ating nakita at nasaksihan at marami na rin ang buhay na nawala dahil sa pagyurak at pagwasak ng kalikasan subalit bakit nga ba hindi tayo matuto. Iintayin pa ba natin ang isa pa muling trahedya tulad ng sa Ormoc o kaya ay yung sa Quezon o yung sa Leyte?

Gisingin natin ang natutulog at nagbubulag-bulagang mga mata ng pamahalaan upang tigilan ang malaking kalokohang ito... Atin ang Kalikasan! Kung nais pa nating mabuhay dapat natin itong pangalagaan.

Lumagda na at imbitahan ang iba pa na makiisa sa PANAWAGAN PARA TULUNGAN ANG KALIKASAN AT MT. KANLAON ...CLICK here.

(See the presentation made by Green Alert Negros to DOE Secretary Angelo Reyes here .)

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: