Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, June 27, 2008

Smart Bro aka Smart Bagal aka Smart Broken

Kung gusto nyo magpakabit ng mabilis na internet o yung tinatawag nilang broadband wag na wag nyong pipiliin ang Smart Bro. Sabi lang nila kasi mabilis... napakabilis.... super bilis... pero sa totoo lang maiinip ka kasi mas mabilis pa si Pong Pagong kaysa sa Smart Bro connection mo. At naku super bilis din at matutuwa ka sa mga customer service representative nila kasi well oriented sila kung paano papaikutin ang mga nagrereklamo ng kanilang serbisyo.

Isa ako sa naging biktima ng Smart Bagal aka Smart Broken.

Pag nagpakabit ka ng Smart Bro... The Amazing Super Bagal Broardband may lock ka na isang taon na pagpepenitensya para di ka makaalis sa kanilang plan. At habang nagpepenitensya ka ay mapupudpod naman ang iyong mga daliri kakadayal sa kanilang customer service hotline at ang sasabihin sayo 95% of the time ay....

Sir/Ma'am pasensya na po kasi may technical enhancement sa inyong area. Please try to call again after 24 hours.
.

Subukan mong tumawag at ganyan ulit ang sasabihin at kung hindi ka magagalit o mag insist sa loob ng isang buwan ganyan pa rin. Aba sino ba naman ang maniniwala na may technical enhancement ng isang buwan? Kahit siguro sa tanga hindi mabebenta ang alibi na yun eh.

Kaya bago kayo mapasok sa nakakainis na sitwasyong ito aba wag na kayo magpakabit. marami naman ibang choices. Kung bilis na sigurado ang gusto ninyo di hamak na mas mabilis pa rin ang PLDT DSL.

Yung sa Globe ewan ko di ko pa natry pero baka sa isang buwan masubukan namin. Tingnan natin kung mabilis kesa sa Smart Bagal aka Smart Broken.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: