Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 26, 2008

Tatsulok Ang Ating Lipunan Dapat Wasakin ang Kaibahan

Sa totoo lang patuloy akong naniniwala na ang tatsulok na lipunan ang patuloy na sanhi ng kahirapan at kaguluhan. Kung sana ay mas maging kolektibo at makatarungan ang ating mga namamahala at ang lipunan di sana ay mas magaan ang buhay para sa bawat isa.


Isang Makabuluhang Video ng Kantang Tatsulok ni Noel Cabangon at ng Buklod


Minsan kapag sinasabi mo ang ganito sasabihing komunista ka. Pero anu nga ba ang Komunismo? Hindi ba ang demokrasya ay halaw rin dito? Isang gobyerno ng tao at para sa tao. Pero anu ang totoong nangyayari? Hindi ba iilan lang ang nagdedesisyon para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino?

Patuloy na nasisira ang kalikasan kahit ayaw ng mga mamamayan at dahil dito patuloy na nararanasan ng mamamayan ang lupit ng kalikasan. Napakaraming naghihirap habang patuloy na umuunlad ang mga negosyo.

Tumataas ang GNP sapagkat yumayaman ang mga korporasyon habang patuloy na dumarami ang mga walang makain. Ito ba ang tamang pag-unlad na hangad natin? Ito ba ang gusto nating kahantungan.

Hindi ako komunista ang nais ko lamang ay magkaroon ng tunay na pagkakapatiran ang bawat tao at ang mamamayang Pilipino. Pagbabago ng kaisipan at kolektibismo ang sagot upang ang lipunan ay maging lipunan para sa lahat.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: