Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 29, 2008

Analysis of State of the Nation Address 2008 of President Gloria Macapagal Arroyo

Ito po ang aking mga personal na opinyon hinggil sa ilang mga bagay na binanggit ng ating Pangulo sa kanyang katatapos lamang na State of the Nation Address (WATCH VIDEO HERE) na kung saan ay inilalarawan ang estado ng bansa at ang mga hakbanging gagawin ng pamahalaan.

Nais ko itong pasimulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng papuri at pagpupugay sa mga magagandang nagawa ng ating pamahalaan sa ilalim ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Wag po sana tayong maging bulag o tanga sapagka't anuman ang sabihin ay marami ring magagandang nagawa ang pamahalaang ito para sa ating bansa. Maraming mga proyektong natapos at lumikha ng mga programang tutulong sa ating bansa. At sa lahat ng iyon saludo sa iyo GMA.

Nais kong bigyan ng ilang puna ang mga nabanggit naman sa mismong State of the Nation Address o SONA 2008.

Unang nabanggit ay ang kahandaan daw ng ating bansa sa nangyayaring Global Political Crisis. Handa nga ba tayo? Ang totoong sagot dyan ay hindi tayo naging handa. Nang magkaroon ng krisis sa biga ay hindi alam ng pamahalaan ang kanyang gagawin kaya nga lumobo ang presyo ng bigas. Matagal na hindi pinapansin ng pamahalaan ang agrikultura lalo na ang palay. Karamihan nga sa malalaking palayan ay nagi ng mga subdivision at hindi ito pinakialaman. Kung sinasabi ng Pangulo na naging handa tayo ito ay malaking kasinungalingan. Hindi tayo nakapaghanda sapagkat hindi ito naging prayoridad.

Hinggil sa Value Added Tax o VAT sang-ayon ako sa patuloy na pagpapatupad nito. Totoong malaking tulong ang maibibigay nito at dahil na rin sa aking palagay hindi VAT ang problema kundi ang patuloy na pagnanakaw sa pamahalaan at ang maling mga programang ginagawa.

Lumolobo ang utang natin sapagkat patuloy na nangungutang ang pamahalaan. Malaking porsyento ng VAT ang napupunta sa Debt Servicing o pagbabayad utang sapagkad may automatic appropriation para dito. Sa ganang akin ay dapat repasuhin ang mga utang ng ating bansa gaya ng suhestiyon ng Freedom from Debt Coalition. Huwag na nating bayaran ang mga ma anumalyang utang na patuloy na nagpapahirap sa ating bayan. Baguhin ang sistema ng pangungutang at pagbabayad ng sa gayon ay mas maging maayos ito.

Karamihan sa mga proyekto ng pamahalaan ay maanomalya tulad na lamang ng ZTE, North Rail at iba pa. Kung magagawi kayo sa daan papuntang Malolos makikita nyo ang mga anino ng dinemolish na kabahayan doon at ang mga bakal na kinakalawang na. Anino ng kawalan ng pagpaplano at katiwaliang nangyari.

Sa mga tinuran ni Pangulong Gloria dito ako talagang natawa at naisip ang kanyang dahilan kung bakit niya ginawa ito...

Texting is a way of life. I asked the telecoms to cut the cost of messages between networks. They responded. It is now down to 50 centavos.


Panghabambuhay na bang magiging ganito ang inter-network text? Ayon sa ating nagapg alaman ay hanggang Oktubre lamang ito. Hindi ko pa rin nachecheck kung totoo nga... teka makapagtext nga.... Eto po ang katotohanan... HINDI PO ITO TOTOO! Piso pa rin po ang inter network text kasi piso ang nabawas sa akin.

May inibas daw na pondo mula sa VAT. Mga pautang daw sa estudyante at mga pautang sa mga namamasada... aba ang dami ng napautang nababayaran naman ba at kaya naman ba nila itong bayaran sa totoong buhay at sa hirap ng ating buhay ngayon. Sinustentuhan ang apat na milyong mahihirap raw sa pagbabayad ng kuryente... aba hindi ba dapat ay magkaroon ng batas para mapababa ang kuryente at alisin ang mga singil na hindi dapat naman ipinapasa sa mga consumers. Ang mga singil na tulad ng system loss at pati benefits sa mga empleyado ay di dapat kasama sa charges... yun ang solusyon!

Kung mapapalitan ng fluorescent ang lahat ng bumbilya, makatitipid tayo ng lampas P2 billion.

Aba totoo yan Madam President ang tanong... mangyayari naman po kaya yan? Aba ang dami ng mga panukala at utos ninyo e hindi naman sumusunod ang mga yan sa totoo lang. Dito nga sa Baliwag nagkaroon ng buntal festival sandamakmak na incandescent light ang inilagay.

Hindi po ba bukod sa exemption sa income tax ng mga wage-earners ay dapat ding bigyan ng prioridad ang mga entrepreneurs at small income earners na may negosyo na nagsusuffer naman sa napakalaking tax na ipinapatong sa kanila. Sa totoo lang iba ang pananaw ko sa taxation... hindi dapat walang tax... ang dapat ay mas mababa nga lamang.

Tungkol naman sa Agrarian Reform sa totoo lang hindi naman pamamahagi lamang ng lupa ang kailangan kundi pati na rin ang tulong at pagoorganisa sa mga farmers na ito. Kung hindi sila tutulungan at ioorganisa wala ring mangyayari sa mga lupang nakuha na nila.

Our administration enacted the Solid Waste Management Act, Wildlife Act, Protection of Plant Varieties, Clean Water Act, Biofuels Act and various laws declaring protected areas.

Pero gaya nga po ng sabi hanggang batas na lamang ba ang mga ito. Marami ang hindi sumusunod rito. Ang Mt. Kanlaon na isang protected area ay napipintong masira dahil sa pagpayag ng DENR sa pamumuno ni Sec. Lito Atienza na putulin ang may 4,000 na puno at magkaroon ng exploration doon para magtayo ng isang geotherman plant... protected area po ito at hindi dapat ipagpalit o ilagay sa peligro.

Marami pa ring munisipalidad ang hindi sumusunod sa Solid Waste Management Act. Anu ba ang dapat gawin hinggil dito?

Kung titingnan ang daming programa para sa Kalikasan pero kayo na ang humusga ano ang estado nga ting kalikasan hanggang sa ngayon? Hindi nabanggit ng Pangulo ang pagmimina na isa sa sumisira ng kalikasan dito sa ating bansa. Nabanggit nya ang reforestration... magtanim ng mga punong mahogany at iba pa na sumisira sa local plant species... mga punong ang iba ay matakaw sa tubig.

Subalit sa kabila ng mag ito tama rin ang binanggit ng ating Pangulo na hindi lamang ito lahat tungkulin ng ating Pamahalaan kundi tayo man ay tungkulin ring tumulong upang umunlad ang bayan. Kung hindi nga sana siguro nanakaw ang eleksyon noon hindi sana mas maraming tao ang bukal sa loob na tutulong sa gobyernong ito.

Paano mapamumunuan at mabibigyan ng inspiration ng isang Pangulo na ang pananaw ng nakararami ay nawalan na ng karapatang pamunuan sila? Iyan ang problema na ating kinakaharap.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: