Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 1, 2008

Ang Basura ng Pinoy Idol (The Trash of Pinoy Idol)

Habang patuloy akong nanunuod ng Pinoy Idol Xtra natanong ko sa aking sarili na bakit puro intriga ang binibigyan ng pansin ng palabas na ito. Parang sa harap ng buong bansa ay ibinubulgar ang pagsisiraan at pagpaplastikan ng bawat isa. Kaya nga hindi na ako magtataka na unconsciously ay nakakalikha ng mga taong mapag intriga at mapanira ang palabas na ito.

Hindi ba dapat na "pure talent" ang pag-usapan dito at talagang labanan ng anking kakayahan sa pag-awit at hindi ang umaatikabong siraan. Ang telibisyon ay napupuno na ng negatibong palabas na sumisira sa mga karakter na dapat nating taglayin bilang isang Filipino.

Pero sa kabila nito ay masasabi ko pa rin na may maganda pa rin namang punto kahit papano kasi sa huli ay makikita pa rin ang pagkakasundo ng mga kalahok. Kahit na anong bigat ng intrigang hinarap ng bawat isa ay nagagawa nilang magpatawad. Sana ito ang makita ng mga nanunuod kesa ang mga negatibong pangyayari.

Mahilig talaga yata sa intriga ang Pinoy pero sana mas higitan pa natin ang tunay na pakikipag kapwa at pagmamalasakit sa bawat isa. Tayo rin ang naglulugmok sa ating bansa dahil sa mga negatibong bagay na ganito.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

some dreamer. said...

Yes, I agree with everything you say 100%. I am not living in the Philippines, but I did have TFC. It just seemed like everything that requires talents doesn't require talent anymore just as long as you have the looks. And that is what it seems like what is happening with the Philippines especially with the Philippine Showbiz. Just as long you can stand there and look pretty and can do somewhat of the job, you are qualified to do anything.