Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, July 6, 2008

Bakit Hindi Mapatalsik si GMA at ang Walkout sa PUP

Kahapon ay natanggap ko sa email ko ang balita hinggil sa pagwalkout ng may 3,000 estudyante na kabilang saYOUTH ACT NOW! (Youth for Accountability and Truth Now!) sa Polytechnic University of the Philippines o PUP. Iniisip ko na napakarami ng ginawang ganito pero bakit andyan pa rin si Gloria Macapagal Arroyo? At bakit nga ba natin sya pinag-iinitan. (Ang imahe sa kaliwa ay mula sa Mga Tauhan ng Warchild Studios)

Sinabi sa balita na... "The students said that the protest was a "dry-run" for nationwide "walkouts" in the coming weeks in preparation for the upcoming State of the Nation Address." Oo nga pala SONA na naman ni GMA at babanggitin na naman nya ang kanyang mga plano at nagawa para sa ating bansa. Mayroon nga ba?

Sa totoo lang mayroon namang nagagawa ang ating Pangulo. Sa larangan ng ekonomiya at investment ay malaki naman ang kanyang nagawa yun nga lang biktima tayo ng patuloy na pagtaas na presyo ng langis. At ito naman ay hindi nya kasalanan kasi hindi lang naman tayo ang apektado nito kundi ang buong daigdig.

Maraming katiwalian na naganap sa panahon ni GMA at ang hindi natin dapat pinalampas ay ang kanyang kitang-kita at napakaliwanag na pandaraya sa halalan ng 2004. Ito ang pinakamalaking dagok sa larangan ng eleksyon at pulitika sa ating bansa. Dito bumagsak ang sistemang pulitikal sa ating bansa.

Bakit nga ba hindi mapaalis si GMA? Maraming dahilan... eto at ating suriin...

1. Hindi nagkakaisa ang mga sektor na gusto syang patalsikin sa pwesto.
2. Walang alternatibong solusyon na ibinibigay kung sakaling matatanggal sya.
3. Ayaw ng marami na si Vice President Noli de Castro ang pumalit.
4. Magkakaiba ng political alignment o paniniwalang pulitikal ang mga grupo.
5. Sawa ng ang taong bayan sa pagkilos o sa isa pang People Power.
6. Sa hirap ng buhay ayaw ng makialam ng karamihan sa gulong pampulitika.
7. Walang malinaw na lider na magiging "rally point" ng pagbabago.
8. Walang malinaw na pinapakita o planong solusyon para masolusyunan ang sistematikang problema ng bansa.
9. Suportado ng Estados Unidos si GMA.
10. Suportado ng militar si GMA.
11. Suportado ng Kongreso at mga lokal na opisyal si GMA.
12. Marunong maglaro si GMA sa anumang sitwasyon.
13. Pinapalabas ni GMA na maawain sya sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga DOLE out na proyekto.
14. Sawa na ang tao sa welga.

At marami pang iba... pero ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit andyan pa rin si GMA. Kaya kahit gaano pa karaming estudyante ang mag walkout ... maliban na lang kung 90% ng mga mag-aaral sa buong Pilipinas ang gumawa nito ay hindi matitinag si GMA.

Hanggat wala ring sistematikong solusyon sa problemang kinakaharap ng ating bansa ay wala ring mababago.

Higit kailanpaman ang ating kailangan ay ang pagkilos ng mga mamamayan upang muling buhayin ang damdaming makabayan at mahalin ang bansang ito. Kailangan natin na baguhin ang ating pananaw at kaisipan. Magkaisa tayo upang isulong ang ating bansa, suportahan ang ating kapwa at higit sa lahat tigilan na ang mga kaisipang patuloy na nagpapabagsak sa ating bansa tulad ng colonial mentality, crab mentality, bahala na, mamaya na habit at iba pa.

Kailangan ng ating bansa ng bagong pinoy... at tayo yun! Simulan na natin ang rebolusyon ng pagbabago!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: