Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 16, 2008

The July 18 Earthquake ni Juseleeno Nobulega Daroose

Isang hula ang kumalat sa internet at nagsasabing sa Biyernes ay magkakaroon ng isang 8.1 Magnitude na lindol sa Pilipinas. marami nga ang naririnig ko na hindi raw papapasukin ang kanilang mga anak sa paaralan at naghahanda para rito.

Ang kalokohang ito ay mula sa isang hula ni Juseleeno Nobulega Daroose na nagsasabing marami syang bagay na nahulaan kabilang na ang katatapos lang na lindol sa Tsina at ang Tsunami noon na ikinamatay ng maraming tao. Pero totoo nga ba ito?

Sinabi na ng Philvolcs na hindi totoo ang kumakalat na balitang ito at imposibleng malaman kung magkakaroon nga ng lindol sa Biyernes. Ito raw ay isang malaking kalokohan at panloloko.

Kung sino man itong Juseleeno Nobulega Daroose o Jucelino Nobrega da Luz na ito aba mukhang iba ang trip mo ah. Hindi yata birong sabihin na marami ang mamamatay. Hindi birong paglaruan ang buhay ng mga tao.

At alam nyo ba mga kababayan na pagkatapos lang daw ng Olympic Games ay magkakaroon din ng lindol sa Tsina at milyon daw ang mamamatay. Isang manghuhula na binabalot ng takot ang ating mga puso at isipan.

Para po sa inyong lahat wag po tayong maniwala. Subalit ganunpaman mag ingat pa rin tayo sa anumang pwedeng mangyari kasi nga gaya ng sabi ng mga eksperto ay hindi rin natin alam kung kailan talaga lilindol.

The Pacific Ring of Fire

Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya may posibilidad tayong dalawin ng lindol anumang oras.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: