Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 4, 2008

Ang Isyu ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE)

Anu nga ba ang Bangsamoro Juridical Entity o BJE na biglang pinagkakaguluhan ngayon at para tilang naghihimutok ng butsi ang mga senador natin at iba pang lokal na opisyal sa Mindanao? Ang BJE ay isang kaisipan at kasunduan na kung saan ay kikilalanin ng Republika ng Pilipinas ang "Ancestral Domain" o Lupang Pamana ng mga kapatid nating Muslim na sa totoo lamang ay sa kanila naman talaga. Kung tutuusin ang BJE ay matagal na dapat ibinigay sa kanila sapagkat base na rin sa kasaysayan ang mg Muslim, Lumad at iba pa ang tunay na may-ari ng Mindanao.

Sa aking unang sinulat na Bangsamoro: A Nation Under Endless Tyranny ating inilarawan kung bakit nagkakaganito ang mga Muslim ng Mindanao, partikular na ang MILF. Ito ay sa kadahilanan na ring kailanman ay hindi sila nasakop o nagpasakop at ang lupa nila sa Mindanao ay kinamkam ng mga mayayaman at maalam na may-ari ng lupa ngayon.

Kailanman ang Mindanao ay hindi napasailalim sa sinumang dayuhan at sa katunayan ito ay isang malaya at nagsasariling pamayanan noon pa man. Subalit dahil na rin sa kayamanang taglay ng lugar na ito ay sapilitan itong isinama sa bansang Pilipinas. Naitaboy ang mga tunay na nagmamay-ari ng lupa sa pamamagitan ng Homestead Program hanggang sa maging minorya na nga ang mga katutubo, lumad at Muslim sa lugar.

Ngayong ika-5 ng Agosto, Magkakapirmahan na sana ng Memorandum of Agreement, kaso sayang nga lang at pinahinga muna ang excitement ng MILF ng Supreme Court sa pamamagitan ng paglalabas ng TRO o Temporary Restraining Order sa pirmahan.

Naisip ko kanina hindi kaya at laro lamang ito na ginagawa ng Pangulo para bumango sya sa mga Muslim o sa MILF? AT sa huli ay walang maitatag na BJE kundi patuloy na maghari ang mga kingpin at higanteng may-ari ng lupa upang lalo pang mabaon sa hirap ang mga ito.

Narito ang sipi ng TRO na inilabas ng Korte Suprema... Ikaw ba sang-ayon ka ba na may BJE o ayaw mo?

Read this document on Scribd: SC TRO ON MOA AD


Anu nga ba ang solusyon sa matagal nang hinahanap na kapayapaan sa Mindanao? ANg BJE na nga ba ang tanging solusyon o maaaring ito ay simula na naman ng isang panibagong apoy sa lupang pangako?

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: