Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 6, 2008

Ang Peligro ng Bangsamoro Juridical Entity o BJE

Sang-ayon ako sa pagkakaroon ng Bangsamoro Juridical Entity o BJE subalit hindi ba dapat na dumaan ito sa tamang proseso at konsultasyon. Karapat-dapat talaga na mabalik sa mga kapatid nating Muslim, Moro at Lumad ang mga lupaing inagaw sa kanila ng sapilitan noong mga nagdaang panahon. Subalit, dapat din bang mangyari ang ginawa sa kanila sa mga naninirahan na doon ngayon? Sa aking palagay hindi magagamot ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Hindi ba dapat alamin kung payag nga ba ang mga nasabing lugar na mapabilang sila sa BJE? Tanungin hindi ang mga pulitiko kundi ang mga mismong tao na naninirahan doon sapagkat sila ang mga mamamayang bubuo rin sa BJE.

Nakakatakot isipin na ayaw ng pamumunuan sa namumuno sapagkat kung ganito ang mangyayari mauulit lamang ang kaguluhan sa Mindanao sapagkat ibang sektor naman ang sisigaw ng pagka-api.

Isang plebisito ang dapat gawin ng sa gayon malaman kung sino ang tunay na bubuo ng BJE. Hindi naman pwedeng gobyerno na lang at MILF ang magdesisyon para sa mga mamayan. Bakit sila lang ba ang may hawak sa buhay at isip ng mga mamamayan? Tanungin ang mga tao at ang kanilang sentimyento ukol dito. Kung sino ang nakikiisa sa pagpapailalim sa BJE ay sila lamang ang dapat kumatawan dito sapagkat tanda ito na kaisa sila ng ideya.

Bigyan natin ng parehong karapatan ang bawat mamamayan. Hustisya para sa mga kapatid nating Moro ang pagbabalik ng kanilang ancestral domain subalit sana bigyan ding hustisya ang kasalukuyang mamayan.

Bilang panghuling komento, nagtataka lamang ako kung bakit kailangang isekreto ang kasunduang ito sa mga mamamyan. Hindi ba dapat ay open book ito ng sa gayon ay maiwasan ang anumang espekulasyon? Kakaiba nga naman ang mga bagay-bagay anu? Para maituloy lamang ang kasunduan kailangang magsinungaling at lokohin ang sariling mga nasasakupan. Hindi po ganyan ang tunay na demokrasya at lalong hindi ganyan ang pagiging isang Muslim o Kristiyano.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: