Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 30, 2008

Balik Tanaw sa Mga Komentaryo Tungkol sa Titulong, "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?"

Nung una kong maisipan na gumawa ng isang sulatin ukol sa ating mga Pilipino at ishare ko ito sa mga egroups online ay sangkatutak na komento ang natanggap ko sa kanila. May mga komentong positibo, may mga nagbibigay ng suhestiyon at syempre meron ding mga negatibo. Hindi ko alam kung sinu-sino na ang nakakabasa ng blog ko na ito at kung nagugustuhan ba nila ang sinusulat ko rito o hindi. Pero hindi na mahalaga yun kasi ang mas mahalaga ay nabibigyan ko sila ng pwedeng mabasa.

Isa sa pinaka hindi ko makakalimutang komentaryo ang sinabi ng isang may pangalang Adarna ni Panday tungkol sa titulo ng aking noon ay binabalak na libro at ngayon syempre ay isa nang blog.

At eto po ang masasabi niya... syempre hindi na po ako magrereact kasi bawat tayo ay may kanya-kanyang opinyon at ako po ay naniniwala naman sa kanyang mga sinabi. Siguro nung panahong iyon ay hindi nya mas nasilip ang higit pasa pangalang gustong ibigay ng Pagod Ka Na Bang Maging si Juan.

================================
Eto lang ang masasabi ko, NA NAMAN!

Alam mo what the country needs now is something positive not something that will add to the frustrations brought upon by global economic downfall and endless bickering of TRAPOs in the government.

Alam mo, yan ang hinaing ko sa mga Pinoy... bakit puro na lang negative ang nakikita? Ang unang binasa kong novel sa tagalog yung "kuko sa liwanag"... nakaka-depress. tapos sa mga dyaryo, ang makikita mo, puro negative din. A professor told our class that a foreigner once asked him how come Filipinos are always magnifying the negative. For example, when inviting a friend over to your place or when an unexpected guest comes over, you immediately say, "Pasesnsya ka na ha, maliit ang bahay ko..." Yung mga folks songs din natin tend to be very negative.

Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko...
Di ka makatayo, di rin naman maka-upo...

And the other one

May binili akong lobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita, pumutok na pala
Sayang lang pera ko, pambili ng lobo
Kung pagkain sana, nabusog pa ako.

Why do we always have to refer to the negative and not see things in
a brighter perspective? Is it because it is in our nature to whine?

Hay naku, there's nothing new on THE PINOY FRUSTRATIONS kasi alam na ng lahat yan e. But if you really want to speak on the frustrations well, try to be very creative. kasi nga filipinos will look at the negative sa gagawin mo.

Yes, americans complain about their President's sex life and political actions but you'll never hear them say that say Spain has better governance than the american government.

Yes, the americans complain about crimes in the neighborhood but you wont hear them say that say, lonon is a much quiter place than USA.

To the americans, and same goes to other nationalities, USA is the best. Yes their great nation has flaws, but just the same, for them, USA is the best.

But to the Filipinos, ewan ko lang! Kung pupunta ka sa mga airport dito, masmarami ang papa-alis kaysa papasok... anong ibig sabihin non?

Ngayon, magtatanong ang iba bakit hindi umuusad ang Pinas... natanong mo na ba yan sa sarili mo?
================================

Kayo ba mga kablogger at mambabasa dito bakit nga ba hindi umuusad ang Pinas? Tama ba ang nasabi sa itaas? Kayo na ang bahalang humusga.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: