Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 12, 2008

Buhay ni Juan: Ang Sistemang Pang-Edukasyon (The Philippine Educational System)

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” ito ang salitang binitiwan ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sa ating bansa ayon sa depinisyon ng National Youth Commission ang kabataan ay kinabibilangan ng mga may edad 15 hanghang 30. Ang sector ng kabataang ito ay kinabibilangan ng mga kabataang nasa paaralan (In-School-Youth), kabataang wala sa paaralan (Out-of-School Youth), nagtratrabahong kabataan o “Working Youth” at kabataang may espesyal na pangangailangan.

Sa pambansang istatistiko umaabot na sa 23.7 milyon o 1/3 ng ating populasyon ang kabataan at sa bilang na ito base sa sensus ng taong 2000 – 2001, 12,690,936 ang nasa elementarya, 5,167,553 ang nasa sekundarya at 2,399,368 ang nasa elementarya. Ayon na rin sa pagsasaliksik ng NYC ang mga magagandang pangyayari sa sector na ito sa mga nakalipas na taon ay ang lumalaking bilang ng mga nag-aaral na kabataan, pagtatayo ng mga dagdag na paaralan, pagtaas ng alokasyong pinansyal ng pamahalaan para sa sector ng edukasyon at pagkakaroon ng mga natatanging batas para sa pagtataguyod ng mga kabataang nasa paaralan. Subalit sa kabila nito tinatayang marami pa ring mga suliranin ang kinakaharap ng sector na ito. Kabilang na rito ang : (1) kawalang ng pag-unlad at pagpapatingkad ng pangunahing edukasyon; (2) pagbaba ng pagpasa sa mga propesyunaal na pagsusulit; (3) kakulangan ng mga sekundarya at pangkolehiyong paaralanm; at (4) pagtaas ng bilang ng mga nakapag-aral sa mga walang trabaho.

Ang masakit na katotohanan pa rito, ayon na rin sa NYC ay sa isandaang (100) kabataang nasa tamang edad upang magsimulang mag-aral, 90 lamang dito ang pumapasok sa Unang Baitang, 40 ang nagtatapos ng Sekundarya, 21 ang magpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo at labindalawa (12) lamang ang makakapagtapos. Sa labindalawang ito pito (7) ang kukuha ng “licensure examination” at isa ang makakapagtrabaho. Sa pitong kumuha ng pagsusulit tatlo (3) lamang ang makakapasa.

Sa “Top Survival and Development Issues” ng NYC, nangunguna ang edukasyon sa pinaka dapat pagtuunan ng pansin sapagkat labinlimang rehiyon ang mag problema dito : 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,CAR,NCR, at CARAGA o sa isang salita problema ito ng buong bansa.

Ano nga ba talaga ang problema natin sa edukasyon at bakit ito lumala ng ganito? Sino ba ang dapat maging responsible sa pagpapaunlad ng ating edukasyon? At ano nga ba ang nararapat na pagbabago sa ating sistemang pang-edukasyon?

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

3 comments:

Anonymous said...

according to mark twain.. there are three kinds of lie.
1. big lie
2. small lie
3. statistics.

Anonymous said...

wala din naman

David D'Angelo said...

Wala din ang ano?