Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 13, 2008

Isang Liham Para sa MILF at GRP ukol sa Bangsamoro Juridical Entity o BJE

Nais kong ilathala sa blog na ito ang isang liham mula sa isang Palawenyo. Ang liham na ito ay isang personal na sentimyento hinggil sa Bangsamoro Juridical Entity. Narito po ang kanyang liham...
Sa mga negotiators ng mgakabilang panig -- ang Pamahalaan at ang MILF:

Ako po'y isang Palaweño. Tubong Bataraza, bagaman ang aking mga magulang ay nanggaling sa ibang panig ng Pilipinas. Masasabi ko pong ako'y isang 100% Palaweño sa kamalayan.

Ang aming munisipyo kasama ang munisipyo ng Balabac ay isinama sa nasabing pact na mapapabilang sa expanded ARMM. Noon pa mang kamusmusan ko ilang beses na ni-resist sa aming lugar ang pagkakasama namin sa ARMM. Maging ang mga kababayan naming Muslim ay tumangging mapasama ang aming lugar sa ARMM. Kristyano po at Muslim sa aming lugar ay matindi ang pagtanggi sa pagpapabilang sa amin sa expanded ARMM.

Nagsagawa ba ng pag-aaral ang mga negotiators ng pamahalaang Pilipinas? Hindi ba't malaki at garapalang injustice ang pagsusubo nilang ito sa aming mga taga-Palawan sa pact na sila lamang mismo ang bumuo?

Hindi po isyu ang relihiyon dito.Ang isyu rito ay ang determinasyon naming tahakin ang pagbabago at pag-unlad na inaasam namin. Paano nakakatiyak ang parehong panig - ang MILF at ang pamahalaang Arroyo -- na angkop sa kasalukuyang panahon ang kasunduang ginawa nila? Paano nila na-envision na hindi madidisturbo ang kasalukuyang katiwasayan at kapanatagan sa mga lugar na isinama nila sa kasunduan na mapabilang sa expanded ARMM?

Alam po ba nila ang esensya ng IPRA? Kami pong mga Kristyano at Muslim ay naniniwalang kung meron mang may higit na karapatan sa tinagurian nilang ancestral domain, iyon ay ang mga netibong Palaw'an at Molbog sa dakong iyon ng Palawan.

Igalang po naman sana ang aming kalayaang mag-determina ng landas na tinatahak ng aming lalawigan at ng aming munisipyo. Kami pong kasalukuyang mga taga-Balabac at Bataraza ay mga kasalukuyang Palawenyo at kami po ay nagmula sa mga lahing Muslim, Kristyano at katutubong Palaw'an at Molbog. Irespeto naman po sana ang kasalukuyang status namin bilang mga Palawenyong nagnanais din para sa isang maunlad at mapayapang Pilipinas!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: