Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 9, 2008

Isang Panawagan sa Philippine Consulate General

Nais ko pong ibahagi sa inyong lahat ang sulat na ipinadala sa Saudi Gazette ng isa nating kababayan na humihingi ng tulong at may nais iparating sa Philippine Consulate General...
May mga katanungan lamang po ako na nais ipaabot sa Philippine Consulate General.

Ako po si Rolando Basanes Ropero taga ABHA ASEER REGION. Dumating po ako dito noong Agosto 15, 2005. Ang nangyari po sa akin ang amo ko ang hindi nagpapakita sinarado nya ung shop na pinapasukan ko at pinabayaan nya ako dalawang taon na ko dito na walang permanenteng trabaho nagsampa na ko ng kaso sa Labor Office dito ngunit wala ring nangyari ilang beses na rin ako humingi ng tulong sa Consul General subalit wala rin silang nagawa. Ilang beses na ako nagpadala ng sulat sa Consulado ngunit hanggang pangako lang sila. Ilang beses na rin pumunta dito si Atty. Bulyok Nilong ngunit wala pa rin. Sinasabi nilang nakausap na nila ang amo ko bakit hangang ngayon nadito pa rin ako. Ano po ang mga programa nila sa mga katulad ko na hindi naman tumakas at pinabayaan ng amo? Ang gusto ko lang po ay makauwi na subalit ano ang gagawin ko kung ang mismong Cosulado ay walang magawa sa akin. Gusto ko ipaabot sa kinauukulan na hindi po ako tumakas, ang amo ko po ang hindi nagpapakita ng magdadalawang taon na kahit na maydisisyon na ang Labor.

Sana po sa mga taga Consulado magbigay po kayo ng tunay na programa sa mga katulad ko at marami pang iba na may problema sa amo. Nagsasabi kayo na huwag tumakas. Pero pag humingi naman ng tulong sa inyo wala namang magawa puro kayo pangako sa mga OFW na nagpapasahod sa inyo. Tinatawag nyo pang Bagong Bayani sa oras naman ng pangangailangan, ay wala naman kayong magawa. Ang dami pong mga Pilipino ang may problema sa amo dito sa Aseer Region. Minsan na nga lang kayo pumunta dito bihira pa ang nalulutas nyong kaso. Sana po kung maari, magkaroon kayo ng Regional Office dito sa Aseer, ang layo po ng Jeddah. Kaya kung may problema ang isang OFW malala na ang sitwasyon bago kayo umaksiyon. Saa po tunay na serbisyo ang ibigay nyo sa mga kababayan natin

Sana po sa pamamagitan ng liham na ito ay maipaabot sa Kinauukulan ang problema ko. Gusto ko na pong umuwi lahat ng paraan na legal ay ginawa ko halos lahat ng tao nalapitan ko na. sana naman po sa muling paglapit ko sa Consulado ay magawan na ng paraan ang problema ko. Hirap na po ako sa sitwasyon ko. Walang iqama walang passport nakikitira na lang sa mga Pilipino dito.

Consul General Ezzedin Tago, Sir kung naaalala po ninyo ako. Na meet ko po kyo dito sa Abha Palace Hotel at sinabi ko po yung problem ko. Sana po patunayan nyo na iba kayo sa nagdaang Consul General.kung hindi po ako natulungan ng dating Consul sana po kayo ay matulungan nyo ako na makabalik na sa bansang Pilipinas.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: