Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 21, 2008

Karapatdapat Nga Ba Tayong Pag-alayan Pa ng Buhay? Buhay ni Ninoy Aquino (Video)

Ito ang tanong na umuukit sa isip ko ngayong araw na ito na kung saan ay inaalala ang ika-25 taong Anibersaryo ng Kamatayan ni Ninoy Aquino.

Pagkatapos na mamatay para sa ating bansa upang maging mitsa ng paglaya ng ating bayan sa diktadurya ni Marcos, anu na nga ba ang nangyari sa atin? Pagkalipas ng 25 taon patuloy na may nagwewelga sa lansangan, patuloy na humihingi ng pagbabago ang marami at patuloy na magulo ang ating lipunan at ang sistemang pulitikal. Natuto na nga ba tayo o ginamit lang tayo ng mga pulitiko noon para sa kanilang pansariling interes?

Nakakatawa pero kapag iniisip ko nasasabi ko na siguro nga ginamit lang tayo ng mga pulitiko... siguro nga ginamit lang ito para sila naman ang maghari sa pwesto. Malaya nga tayo ngayon pero inabuso9 naman ng karamihan ang kalayaang ito. Sa pahayagan halos puro tsismis ang laman na kung saan lalo pa nitong napapababa ang moral ng ating bansa at nawawala na ang positibong media sa ating bansa.

Parang walang nagbago masyado... wala pa rin halos boses ang karaniwang mamamayan sa ating bayan. Lumala ang corruption sa ating bansa na sabi ng marami ay bunga raw ng rehimeng Marcos. Marami na ang nagbuwis ng buhay para sa kanilang ipinaglalaban... at muli marami sa mga dating crony ni Marcos ang nakaupo sa pwesto.

Ang higit na nakakalungkot, pagkalipas ng 25 taon hindi pa rin alam kung sino nga ba ang nagpapatay kay Ninoy. Hanggang ngayon patuloy na misteryo ang pangyayari noong Agosto 21, 1983.

Para sa pag-alala ng araw na ito inihandog ng Baliuag.Net Radio-TV ang mga dokumentaryo tungkol kay Ninoy Aquino at sa kanyang mga naging papel sa pagbabago ng ating bansa. Salamat kay Ubermensch4ever sa mga video uploaded sa YouTube.

CLICK HERE TO BE REDIRECTED TO THIS SPECIAL FEATURE ON BALIUAG.NET

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: