Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 4, 2008

Mas Maraming Filipino Ang Ayaw Kay Arroyo (More Filipinos Dislike GMA)

Sa pagsasara po ng ating botohan kung Dapat Na Nga Bang Mag-Resign si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nanguna ang mga nagsasabing OO dapat na syang mag-resign kung saan 55.7% ng kabuuang 88 na bumoto o 49 katao ang may saloobing ganito. Samantalang 15.9% o 14 lamang ang nagsasabing hindi sya dapat magresign.

Bukod dito mas malaking porsyento ang parang wala ng pakialam sa kung sino ang mamumuno o sa usaping ito sapagkat sa kabuuan 28.4% o 25 na tao ang nagsasabing wala namang magbabago o di kaya ay wala na silang pakialam dito.

Sa pagsururi ng datos mas marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang naniniwalang walang mababago kahit sino pa ang mamuno sa ating bansa. Ang sentimyento ng pagka ayaw kay Pangulong GMA ay hindi lamang sa Luzon makikita kundi maging sa Visayas at Mindanao.

Ang botohan na inilathala sa Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan? ay tumagal ng anim na buwan mula Enero 2008 hanggang Agosto 3, 2008.

Sa panibagong "Survey" natin amin namang aalamin kung sino sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit mahirap ang ating bansa. BOTO NA DITO AT IPAHAGAY ANG INYONG PALAGAY!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: