Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, August 24, 2008

Pinoy Gangs at Ang Buhay sa Kalye

Ang mga gang daw ay natural na sa mga kabataan lalo na sa mga lugar na kung saan ay Class C or Class D ang lipunang ginagalawan. Ang mga gang ay mga samahan kung saan buhay at kamatayan ang pangunahing panuntunan. Mayroong silang mga batas na dapat sundin at pagkakapatiran hanggang sa kamatayan ang tatak ng bawat gang.

Simula sa initiation hanggang sa mga rumble ay karahasan ang buhay ng isang gang. May mga ilang gang pa nga na kahit puri ng mga sumasaling babae ay kinukuha upang mapatunayan lang na sila ay tunay na naghahangad na mapabilang sa isang gang.

Narito ang isang pagsilip sa buhay ng Pinoy Gangsta...


Tama bang sumama ang mga kabataan sa mga gang? Malinaw na kung ang mga gang ay katulad ng mga ipinakita sa report na ito ni Jessica Soho ang sagot ay hindi... at malaking HINDI!

Hindi tamang saktan pa o magdusa ang isang sumasali para lang makasama sa isang samahan. Ito ang naging panuntunan namin ng utatag namin ang BROOD o Brotherhood of Destiny na hango sa konsepto ng iba't-ibang samahan, kasama na ang gang at fraternity.

Bagama't humalaw kami ng konsepto ng gang tulad ng mga patakaran, pagkakapatiran at iba pa ay kailanman lagi naming pinapahalagahan ang kapakanan ng miyembro at ang kanilang dignidad.

Ang tunay na kapatiran ay hindi lamang sa away kundi pag-alalay sa pagtahak sa landas ng buhay... pag-alalay sa ikabubuti ng kasama.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: