Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, August 15, 2008

Traffic... Traffic at Traffic pa rin!

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang kwento ng aking kasamahan sa organisasyon na sumasalamin sa buhay sa Metro Manila at siguro gayun din sa iba pang malaking siyudad sa ating bansa... eto ang kanyang kwento mula sa kanyang blog na Maki-Whatever:
July 31, 2008 ito nangyari, dakong 8PM ng gabi. Nakasakay na ako sa bus nun mula Bicutan. Hindi ko akalain na ganun katagal ang traffic! 10:10PM na ako nakarating ng MRT Magallanes (Mantrade Area). May MRT operation pa pala ng ganong oras akala ko hanggang 10PM lang. Maraming tao halos lahat nagmamadali na umuwi. Marami rin sa mga kaopisina ko iyong natraffic pauwi.

11PM na umalis iyong kasamahan ko sa office. Traffic pa rin daw. Bumaha raw sa Buendia? Ewan ko kung ano talaga ang nangyari. Basta alam ko na nasa PILIPINAS ako kasi matraffic talaga eh. ΓΌ Traffic din daw sa ibang bansa sabi nila pero bakit dito sa atin, panay ang traffic?! Hahaha


Sawa ka na ba sa traffic?

Sa totoo lang hindi lang naman ang ating bansa ang puro traffic. Sa China nga para mabigyang kasiyahan ang mga dadalo sa 2008 Beijing Olympics ay mahigit na 100,000 o higit pang sasakyan ang hindi pinabyahe para lamang maibsan ang traffic. Bumuo rin sila ng bagong subway system. Sabi nga karamihan sa may traffic ay mga bansang marami ang populasyon na kung saan ay nagsisiksikan ang tao sa siyudad dahil na rin sa marami "raw" opportunities doon.

Mas okey na rin naman ang ating mga daanan kesa dati at pasalamat tayo kay MMDA Chairman Bayani Fernando. Marami man ang nagagalit sa kanya na mga illegal vendors (kasi bawal po talagang magtinda sa bangketa at hindi rason na wala kayong kinikita para gumawa ng bawal!), ay malaki naman ang naitulong nya at ng ahensya na Metro Manila Development Authority o MMDA para mabawasan ang traffic sa Metro Manila.

Dagdag pa rin siguro sa traffic ang mga pasaway na driver at kolorum... kasama na ang mga bus na adik mamick up ng mga pasahero kahit saan AT ANG MGA PASAWAY NA PASAHERO NA SUMASAKAY KAHIT SAAN AT PEDESTRIAN NA TUMATAWID KAHID BAWAL!

Palagi na lang kasi mga sasakyan ang natitira eh kalimitan tayo rin naman ang may kasalanan... teka nga muna may isa pa akong reklamo lang sa MMDA kasi minsan napakalayo naman ng sakayan bago ka makasakay e hihingalin ka muna. Sana naman po eh hindi ganun kalayo ang mga sakayan sa mga overpass ninyo o sa karaniwang lugar ng maraming pasahero.

Parte na ng buhay ang traffic. Masosolusyunan ba ito? Oo naman... ang solusyon ay nasa pagtutulungan natin.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: