Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 16, 2008

Ugali ni Juan: Close Family Ties

Kung mayroon tayong ugali na halos katulad ng mga katabi nating bansa sa Asya ito ay an gating lubos na pagmamahal sa ating pamilya. Hay naku! Wala akong masasabi dyan kasi pag nga naman super close talaga kayo e kahit lolo at lola mo na sa tuhod o yung kaapu-apuhan pa eh nakatira sa iisang bagay at nagsisiksikan sila dun. Close nga eh kaya ganun di ba? Hanep astig talaga an gating pagiging malapit sa bawat isa.

Sa sobra nating pagmamahal sa ating mga pamilya madalas ay ito an gating unahin sa lahat ng bagay pwera na nga lang kung ikaw eh yung tinatawag ng nanay mo na suwail, walang modo at kung anu-ano pa at tuwing darating ka sa bahay nyo e halos malahar ka na sa inaabot mong mura sa nanay mo.

Alam ba ninyo na napakaganda ng ugali nating ito lalo na at kung magagamit ng tama at ilalagay sa lugar. Sana naman kung mahal talaga natin an gating pamilya ay huwag nating pagtakpan ang kanilang mga kamalian at ipagtanggol pa sila kahit na mali sila o nakagawa ng isang bagay na dapat panagutan sa batas. Gamitin natin ang katwiran sa mga pagkakataong ito sapagkat ito ang tama. Hindi ibig sabihin na kung ipapakulong natin ang ating anak o magulang ay hindi na natin sila mahala sapagkat ang pagmamahal ay nasa paggawa ng tama at nararapat.

Wala ring ikakatakot dito sa atin ang mga matatanda sapagkat nakahanda tayong alagaan sila at gabayan kahit pa umiihi na sila sa salawal at sa kama, hindi natin sila ipapatapon sa “hone for the aged”. Ito ay bilang pagtanaw natin ng malaking utang na loob sa kanila sa hirap at pagod na ginawa nila alang-alang sa pagpapalaki sa atin. Ating alalahanin na ang mga magulang at nakatatanda sa atin ay dugo at pawis ang inialay para marating lang natin ang kinaroroonan natin ngayon. Pero….. hindi lahat ng nakatatanda at magulang ay ganyan sapagkat napakarami ring magulang ang ibinubulid ang kanilang mga anak at kapamilya sa kasamaan para lamang sa kanilang pansariling kapakanan.

Alam ba ninyo na sa sobrang lapit natin sa ating mga kapamilya eh madalas maggayahan ng mga kurso ang bawat isa. Kapag may nasimulang magdoktor karamihan lalo na nung mga unang panahon e doctor ang tatapusin hanggang sa kaapu-apuhan o kaya sa ngayon hindi mawawalan ng magiging tagapagmana ng propesyon ng mga naunang henerasyon.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

MC said...

I agree with you! it's family relationship what I love about pilipino tradition besides from that I hate being called a Pinoy "Proud to be Pinoy", "Pinoy ka at ipagmalaki mo". I just wan't to be a simple man and Im proud of it.

Shen said...

Yes... this is bascially what makes Asians unique as well.

Anonymous said...

,lp

gilbert said...

the asian always give a respect to each other.