Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 7, 2008

Ugali ni Juan: Hospitable

“Hospitable” daw talaga ang mga pinoy at mga dayuhan na mismo ang nagsasabi niyan. Tatangapin ka sa kanilang tahanan anupaman ang kanilang katayuan sa buhay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakaraming turista sa ating bayan sapagkat gustong-gusto nila ang ating ugaling ito. Wala naming masama dito at dapat nga ay pag-ibayuhin pa natin ito at ipagpatuloy.

Alam ba ninyo na may mga kakaibang kuwento ng pagiging “hospitale” akong naengkwentro. Isa na rito ang kwento ng pumunta ako sa bahay ng isa kong kaibigan. Syempre kumain kami dun ng kaibigan ko at nanuod ng tv, maya-maya ay may dumating ang pamilya nila na hindi inaasahang bisita. Syempre tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang sa pagkakita sa kanila at inalok ito ng pagkain. Kaagad naman kumain ang mga bisita at syempre naubos ang pagkain. Pagkatapos ng pagkakamustahan ay umalis ang mga bisita parting hapon at nagulat na lang ako ng magsalita ang magulang ng kaibigan ko at sabihin, “Kakainis talaga pag may maga bisitang bigla na lang dumadating. Ayan naubos tuloy ang ulam natin.” Sabagay minsan nga naman nakakainis talaga kasi ngakaugalian ang maayos na pagtanggap ng bisita mapipilitan kang ialok ang kung anumang mayron ka at kalimitan ang mga bisita naman ay walang pakialam sa nag-alok sa kanila.

Gaya ng sabi ko walang masama sa pagiging “hospitable” nating mga Filipino ang payo ko naman ay para doon sa mga magiging bisita. Sana naman kahit papaano ay pakiramdaman natin ang kalagayan ng pamilyang ating pupuntahan ng sa gayon kahit papaano ay hindi tayo makabigat sa kanila. Kapag alam nating walang-wala ang pamilyang ating napuntahan hindi naman siguro masamang tumanggi sa kanilang alok o sabihing busog na talaga tayo. Maaari ding tayo na ang mag-alok na bumili ng pagkain o ng pangmerienda at wala naming masama sa bagay na ito.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: