Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 18, 2008

Ugali ni Juan: Ningas Kogon

Ang kogon ay isang damo na kung saan napakabilis tumubo nito, kahit nga hindi diligan e dumadami. Kapag inaapuyan ang mga damong ito ay napakabilis din lumiyab at napakabilis maupos. Ito ang karakter na sinisimbulo ng ningas kogon na ugali ng mga Filipino.

Naranasan mo na bang magsimula ng isang bagay na sa simula ay napakasipag mo at giliw na giliw ka sa iyong ginagawa pero habang tumatagal ay mawawalan ka na ng gana at tuluyan mo ng kakalimutan ang iyong ginagawa. Ito ang tinatawag na ningas-cogon, o “cogon flame” Hehehe, ewan ko kung anu ang tawag dun sa salitang Ingles at kung may kaparis nga ba ito sa ibang bansa. Napakarami sa ating ganyan na todo kayod at todo gawa sa simula pero habang tumatagal ay ams marami pa ang reklamo o pagdadahilan kaysa ipagpatuloy ang nasimulan.

Marami sa atin ang ganito. Kahit ako ate at kuya eh hindi nakaligtas dito. Paano ba naman kasi pag dumarating na yung mahihirap talagang sandali o may maiisip kang iba e para bang bigla na lang nawawala sa isip mo yung ginagawa mong proyekto o gawain. Mga pulitiko natin ganyan din. Hay naku, napakasipag nung panahon ng kampanya. Lahat na lang ipinangako. Aba eh kung puwede nga lang ipasemento ang palayan para hindi na maputikan yung mga magsasaka eh ipapangako na. Punta sa lahatr ng barangay, samba sa lahat ng simabahan, kamay dito at kamay doon pero pagkatapos ng election aba suwerte ka na kung mahanap mo pa sila o swerte na ang kanyang mga pinaglilingkuran kung kahit 25% sa mga pinangako nya ay matupad.

Marami pang bagay kung saan makikita ang pagiging ningas kogon ng mga Filipino, kasama na rito ang pag-aaral, pagtratrabaho, kahit sa paggawa ng kabutihan sa kapwa nangyayari din yan. Subalit kung ating lilimiin ang pagiging ningas kogon naman ay isang natural na pakiramdam din na dumarating sa isang tao. Sa salitang banyaga ang tawag dito ay katamaran na rin o “laziness”. Minsan dahil sa sobrang pagod o “stress” na rin ay nararanasan ito. Pero sana hanggang dun na lang at sana ay pagkatapos ng panahon na iyon ay muling mapalakas ang positibong paggawa at hindi tuluyang mamatay ang apoy tulad ng sa kogon.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: