Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 19, 2008

Ugali ni Juan: Pagiging Matipid

Ang kakuriputan nga ba ay pagiging matipid? Malimit kasi na mapagkamalang iisa ang ibig sabihin ng pagiging kuripot at pagiging matipid. Para sa akin ang salitang ito ay magkaiba. Kung ikaw ay kuripot ibig lamang sabihin noon na ayaw mong maglabas ng pera o kung maglabas ka man ay kulang na kulang para sa isang bagay kahiy na iyon ay iyong pangangailangan. Sa kabilang dako ang pagiging matipid ay ang tamang paggasta ng pera na naaayon sa iyong mga pangangailangan sa pang araw-araw na buhay. Marami sa ating mga ninuno ang hindi naghihirap at umasenso sapagkat sila ay matipid. Bago gumastos sa isang bagay ay iniisip muna nila kung ito nga ba ay kailangan nila o hindi at kung hindi nila ito kailangan ay ipinagpapaliban nila ang pagbili ng bagay na ito.

Sa panahon ngayon tila ang mga naghihirap na lamang o kapos sa pera marunong magtipid at ang mga may pera ay walang humpay sa paggastos nito. At kung susuwertihin naman ang mga mahihirap na magtagumpay at magkapera ang karamihan sa mga ito ay magiging gastador din. Gaya rin ito ng mga kabataan sa panahon ngayon na kung saan kahit walang pera basta may cellular phone ay ayos na ang buhay. Aba e kahit nga basurero may cell phone na ngayon! Mantakin mo kung sana ang pinambili dun at ang ginagastos sa load e pinambili na lang ng makakain ng kanyang pamilya disin sana ay mas naging maayos ang buhay nila. Sasabihin naman ninyo, “yun na nga lang ang kaligayahan ng tao, pipigilan mo pa!” Hindi ba mas dapat maging kaligayahan niya ang mabuting kalagayan ng kanyang pamilya, ang maging maayos ang pang araw-araw nilang buhay kaysa sa maging “in” sa uso ngayon.

Ang ibang kabataan naman kandakuba na ang kanilang mga magulang sa pagtratrabaho, kung makahingi ay parang may mga patago sa bangko ang mga ito at karamihan pa ay gumagawa ng pekeng resibo upang palakihin ang mga babayaran nila sa paaralan at makakuha ng kupit. Aba maawa naman kayo sa inyong mga magulang! Kung sana man lang ang inyong kupit ay napupunta sa inyong mga gamit sa paaralan ayos lang sana subalit ang kinauuwian nito ay mga pangload sa cellphone, gimik sa gabi, inuman ng barkada at kung mamalasin pa ay bawal na gamot. Noong bata ako alam ba ninyo na kasya lang ang aking baon sa pangakin ko sa paaralan at pamasahe, kung bibigyan man ako ay pambayad ng mga gastos sa paaralan tulad ng mga babasahing kailangang bilhin. Subalit ngayon sobra sobra na nga ang binibigay ng mga magulang, sobra sobra pa rin ang hirit ng mga anak sa kanila.

Magkaisip naman sana tayo at tulungan natin an gating mga magulang ng sa gayon hindi tayo mismong mga anak nila ang maging pabigat. At para naman sa mga magulang, hindi ibig sabihin ng pagbibigay ng malaking allowance sa ating mga anak ay maganda bagamat nagigi silang masaya dito. Sana ay bigyan lamang natin sila ng tamang allowance at nararapat para sa kanila. Huwag natin silang turuang maging gastador at bulaksak at higit sa lahat ating pagtibayin ang ugali ni Juan na pagiging matipid sa kanila.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: