Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, August 17, 2008

Ugali ni Juan: Palakasan o Padrino System

Sadyang napakahirap na ring humanap ng trabaho sa ngayon at alam ba ninyo kung paano mas magiging madali ang inyong pagkakapasok sa trabaho? Iyon ay kung may kakilala ka sa isang kompanya at depende pa rin yun sa posisyon nya sa kompanyang iyon. Mga katoto, hindi lang sa mga kompanya nangyayari yan pati sa pagpasok sa paaralan ganyan din ang sistema… palakasan at paramihan ng kakilala.

Sa gobyerno ay ganyan rin. Mas marami ang kakilala mo ams madali kang makakapasok sa serbisyo sa gobyerno. Kalimitan nga kahit wala kang “ciovil service eligibility” pasok ka na. Ikaw anu sa palagay mo? Naranasan mo na ba ang ganito o sawang-sawa ka ng marinig ito.

Sa totoo lang hind naman talaga kailangan ang backer o paramihan ng kakilala para makapasok sa isang trabaho lalo na sa gobyerno. Dib a pards may tinatawag naming “character reference” na nagsisilbing mga tao na pwedeng tanungin ng kompanya hingil sa karakter ng taong gusting pumasok. At mga kaibigan ating tandaan ito po ay “character reference” at hindi po “passes” para makapagtrabaho. Napapansin ko kasi sa mga nagpapagawa ng “resume” na minsan pa nga e hindi mabigkas ng tama yung salitang ito eh pataasan ng posisyon at patanyagan ang kanilang reference. Kung pwde nga lang na pati si George Bush e ilagay dun nilagay na para lang maipakita na sila ay sikat at kakilala nila o kilala sila ng taong yon.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: