Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 11, 2008

Ugali ni Juan: Sipag at Tiyaga

Hindi po tayo nangangampanya para kay Manny Villar pero sa totoo lang ay tama ang kanyang mga tinuran na isa sa sangkap ng pagasenso at pagunlad sa buhay ay ang pagkakaroon ng sipag at tyaga.

Numero uno sa kalakasan ng pinoy ang “sipag at tiyaga” at iyan ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Sabi nga wala raw tamad na Filipino kaya hindi rin ako naniniwala na Filipino si Juan Tamad. Simula pa man noong unang panahon an gating mga ninuno ay todo kayod sa paggawa. Sila ay nagsasaka, nangangaso, nagingisda at iba pa upang mabuhay ang kanilang pamilya at ang kanilang tribo. Marahil nga bawal sa kanila ang tamad. At hindi tayo magtataka sapagkat magpahangang ngayon napakaraming mga Juan ang bumangon mula sa karukhaan sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

Dito na lang sa amin sa Baliuag may isang napakalaking nagbebenta ng mga softdrinks at suki niya ang halos lahat ng malalaki at maliliit na negosyo dito, alam ba ninyo minsan may nagkwento sa akin na siya pala ay nagsimula lamang sa paglalako ng mamon sa kalsada. Sabagay maging an gating sikat na bayaning si Andres Bonifacio at si Pepe ay tiniis ang mga matitinding pasakit at hirap hindi lamang pinansyal kundi maging pisikal at emosyonal at sa huli ay napagtagumpayan nila ang kanilang pangarap na mapalaya an gating bansa.

Ang sipag at tiyagang ito ang pinakamabisang sandata upang muling bumangon ang ating bansa. Sa halip na sisihin natin ang kung sinu-sinong tao sa ating kalagayan sa kasalukuyan ay isipin natin kung papaano tayo makakabangon sa kalagayang ito. Sa halip na matulog tayo maghapon ay bumangon tayo at harapin ang bawat araw na puno ng sigasig. Sa halip na sabihin natin na wala nang pag-asa ay patuloy tayong maghanap ng mga solusyon sapagakat ika nga habang may buhay ay may pag-asa. Sa halip na sisihin natin ang gobyerno sa kalagayan n gating bansa ay isipin natin kung ano an gating magagawa upang matulungan ang gobyerno at ang bansang ito. Kailanman ay walang madaling paraan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok at maabot ang ating pangarap, subalit kung ating gagamitin ang ating kalakasan na sipag at tiyaga ay sinisiguro kong babangon muli ang bansang ito. Masipag si Juan at matiyaga, napapagod man siya sa araw-araw subalit isang araw gigising siya at sasabihin, “Sa wakes napagtagumpayan ko rin ang lahat!”

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/