Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, September 27, 2008

Ang Kwento ng Ano (The Story of Ano)

Alam nyo ba kung ano ang ANO? Ang ano ay isang salitang malimit sabihin nating mga ano para magkwento ng tungkol a isang ano. Kapag ano ang anong ito ay malamang maaano natin ang ano ng kwento ng ano na ito. Napakaliwanag di ba? Pero siguro naman ay kahit minsan ay naengkwentro na ninyo ang mahiwagang salitang "ANO" na para bang kahit na ang ibig sabihin sa Ingles nun ay "What" ay magkakaintindihan pa rin kayo. Bakit nga ba mahilig sa ano ang Pinoy?

Malimit sa mga kwentuhan ang salitang ito at siguro ay hindi nawawala. Eto ang isa sa mga karaniwang usapan:

  • TAO A: "Pare, hanep yung bahay ni Ano!"
  • TAO B: "Oo nga pare eh. Ang ano-ano nun ano?"
  • TAO A: "Tapos ang dami pang ano sa loob! Grabe talaga!"
  • TAO B: "Paano nga ba nila napagawa ang ano na yan? Di ba ano lang sila? Di kaya mga ano ang mga yan?"
  • TAO A: "Oo nga eh nakakataka kung saan galing ang ano nila. Pero hayaan mo na pare baka maano pa tayo."
At eto pa mga kaberks ang isa pang karaniwang usapan naman sa kampus...
  • LALAKE: "Ano na?"
  • BABAE: "Anung ano na?"
  • LALAKE: "E di yung ano!"
  • BABAE: "Ah yun bah? Hay naku hindi ko pa masasagot yang ano na yan. Kailangan ko pa kasing mag-aral ng mabuti."
  • LALAKE: "E paano naman yung ano natin."
  • BABAE: "Bahala ka nga! Punta na lang ako dyan sa may ano para kumain."
Ano ba kasi yan ano na yan na madalas tayong naaano at inaano natin sa araw-araw nating poag-aano. Ayan nakakahawa na tuloy ang kaaano ng ano na ito. Ewan ko nga ba kung bakit madalas itong gamitin pero ang nakakatuwa ay madalas naman ay nagkakaunawaan ang dalawang nag-uusap.

Ayos! Pinoy nga!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: