Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 15, 2008

Makiisa sa Tawag ng Mundo (World Creative Youth Forum 2009)


Sa tuwing mapapanuod ko ang video sa itaas ay hindi ko maiwasang maging masaya na naging bahagi ako ng Executive Committee ng World Creative Youth Forum (WCYF) 2009. Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung papaano magiging ganap ang daan patungo sa WCYF 2009. Marami pang kailangang gawin. Kulang pa ang mga partners at sponsors at marami rin ang nagdududa sa aming kakayahan na maisakatuparan ito. Anu nga ba ang WCYF 2009 at bakit ako nag-abala na makialam dito?


Ang WCYF 2009 ay isang forum ng mga kabataan na tatalakay sa Education for Sustainable Development at gagawing mas simple para sa bawat kabataan ang mga isyu tulad ng Peace and Human Rights, Entrepreneurship, Climate Change, Sustainable Lifestyle at Education and Technology.

Marami sa mga kabataan ang walang pakialam sa mga bagay na ito. Marami sa kabataang tulad natin ang ginugugol ang oras sa paglalaro ng computer games tulad ng Rhan, Tantra, Cabal, Ragnarok at iba pa. Mas ginustong ikulong ang sarili sa pantasyang buhay kaysa harapin ang problema ng mundo.

Ang World Creative Youth Forum (WCYF) 2009 ay isang ambisyong ilapit sa kabataan ang mga isyung ito at gumawa ng pagkilos upang tayo ay maging katuwang ng ating mundo... upang hindi tayo maging mga sagabal kundi maging mga kaibigan ng ating planeta.

"Today´s young people will bear the consequences of climate change, thanks to the unfortunate legacy of their elders. In many developing countries in particular, youth - especially girls and young women-- are often responsible for farming, finding water and collecting fuel wood. These tasks will be rendered more difficult and will take even more time away from education or productive activities as climate change affects the availability of water, agricultural productivity and the survival of ecosystems."

Ito ang sinabi ni UN Secretary General Ban Ki-moon na nagsasabing kabataan ang siyang pwersang magsusulong upang maging kaisa ng mundo at ng ating planeta muli ang mga tao... tayo ang kikilos upang labanan ang kasakiman na sumisira sa ating planeta.

Sabi nga ng Peace Awardee na si Sammy Abbbey...

“freedom from fear and freedom from want” remains an unrealized vision for too many. Human beings are consumed by barbarous acts that continue to outrage the conscience of humankind


Baguhin natin ang ating mga nakagisnang gawi at baguhin ang mundo... makiisa na sa layunin ng World Creative Youth Forum (WCYF) 2009. Para sa karagdagang impormasyon bumisita sa www.worldcreativeyouthforum.net

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: