Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 22, 2008

The Objectivity of the Philippine Blog Awards 2008

Unang una ay congratulations sa mga nanalo. Naniniwala pa rin ako na lahat kayo ay deserving na manalo ng inyong nakuhang award para sa Philippine Blog Awards 2008. Mahirap magmaintain ng blog at alam ko na ito ay isa sa mga tagumpay na maaari ninyong makuha para sa inyong pinaghihirapan. Subalit sa kabila ng tagumpay at ganda ng awards na ito ay mayroon pa ring ilang punta na nais sana akong itanong o bigyang pansin. Mga puntong nag-iwan sa akin ng tanong at kakatwang tingin sa Blog Awards na ito.

Nang pumasok ako sa Coral B ng One Esplanade ay nakita ko na ang simoy ng "elite circle" ng blogging community. Ang daming Pinoy Bloggers perso magtataka ka kasi ang official language nila ay hindi Filipino kundi English. Dahil ako ay isang baguhan sa awards na ito minsan inaakala ko na wala na yata ako sa Pilipinas. Pareho namang Filipino ang nag-uusap pero pagandahan pa ng diction at ng slang... HANEP!

Simula pa noong una ay madalas kong tingnan kung sino ang mga judges pero hanggang sa awarding kahapon ay hindi mo sila makikita sa website ng Philippine Blog Awards at ngayong araw ko na lamang ito nakita. Maganda ba ito o hindi? Depende sa dahilan. Kung ang intensyon ay para hindi maimpluwensyahan ng bloggers ang mga judges okey yan... pero yun ay kung hindi rin sana kasali sa mga nominees at finalist ang mga organizers at sabihin na nating volunteers nila, Di ako sigurado kung yung last na nagsalita e sya rin yung nanalong Best Network Blogger... well sana mali pagkaintindi ko.

Sa aking nakita... at sana mali pa rin ako eh ilan sa mga nanalo ay bahagi ng organizers at yun nga yatang nagvovoice over ay dalawa pa ang awards. Wala namang masamang manalo kaya lang hindi ba may undue influence ang mga organizers sa mga judges... kung volunteers naman sila well para sa akin masama pa rin tingnan yun.

Volunteers and organizers should automatically not qualify as a finalist to ensure objectivity and credibility.

Sana mabigyan ang lahat ng pagkakataon na mabigyan ng pansin ang kanilang mga blogs... mahirap man sila o mayaman... mom man o nanay ang tawag nila sa kanilang ina... Englisero man o karaniwang Pinoy.

Salamat sa nomination at pagpili nyo sa blog na ito bilang finalist. Kudos sa mga organizers for a job well done... aba eh mahirap din naman talaga magorganize ng ganito.

For the List of Winners CLICK HERE.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

21 comments:

fritz said...

Nakakalungkot lang na ang kabutihang loob ng mga volunteers na naghirap kahit walang inasahan/natanggap na kabayaran ay napagdududahan pa ng ganito-ganito lang. Pati integridad ng mga hurado ay nadamay na rin. Naniniwala ako na nangibabaw sa mga painahahalagahan ng mas nakararaming bloggers ang tiwala sa kanila ng mga mambabasa, pati na rin kalinisan ng kunsensya, kung kaya't ang pansariling motibo ay isinaabi ng bawa't isa para sa isang gabing parangal.

Gusto ko lang ipaalala na laht ng blogs ay may pagkakataong maisali sa listahan ng nominado kung ang mga nakakaalam sa mga ito ay nagbigay lamang ng panahon para iboto sila. Patas ang laban sa unang banda ng parangal. Lahat may pagkakataon mapasama. Kung hindi lang nasa huli ginagawa ang pagpunang tulad nito, sana'y nabigyan din sila ng kaukulang pansin at, marahil, inaasam na paghirang.

Ito ay pagpuna sa iyong mga pagpuna. Wag rin sanang mamasamain.

Prudence said...

Siguro hindi dapat masamain ang pagkakagrupo-grupo ng ilan sa mga bloggers, dahil, unang-una, sila naman ay magkakaibigan. Sa pagdalo sa isang pagtitipon, natural lamang na hanapin mong una ay ang iyong mga kakilala. Natural din na gugulin ang nalalabing oras ng programa na kasama sila dahil sila nga ay magkakakilala na. At tungkol naman sa pagsasalita ng wikang Ingles, naisip mo ba na maaaring iyon ang wikang kanilang kinasanayan or kinalakhan? Or di kaya'y mukha lamang silang Filipino ngunit, sa totoo'y sila'y mula sa isang asyanong bansa? At kung Filipino, sila ba ay hindi tunay na Filipino dahil lamang sa paggamit ng banyagang wika? Palagay ko ay hindi naman kapani-paniwala na lahat ng iyong nakasama at nakita doon ay nagsasalita lamang ng wikang Ingles. Kung ikaw, sa tingin mo, ay isang baguhan, puede ka namang sumali sa mga usapan nila at magpakilala, upang makatagpo ng mga bagong kakilala at kaibigan. Gamitin ang wikang Tagalog o kung anong dialekto. Kung hindi ka nila maintindihan, puede din naman ang pagsenyas ng kamay. Madaming mababait na bloggers. Hindi mo lang siguro nabigyan sila ng pagkakataon na ipahiwatig nila sa'yo iyon sa kung anumang dahilan.

Kung sa bagay, ang elitismo ay mababanaag lamang sa mga mata ng nagsasabing mayroon nito.

Mariin akong tumututol na ang mga pangalan ng hurado ay hindi nailathala website ng Philippine Blog Awards. Noong Setyembre 20 ay nailathala na ito at may angkop na pagpapakilala na kasama. Sila ay mga nakaupo din sa harapan at siguradong makikita mo sila dahil sila'y mga kilalang mga tao.

Siguro ay hindi tamang isipin na ang mga nanalong bloggers ay nanalo lamang dahil sila ay volunteers ng PBA. Isa itong pang-iinsulto sa kanilang paghihirap at pagtitiyaga na magkaroon ng PBA ngayong taon na ito. At pang-iinsulto din ito sa integridad ng mga hurado.

Nalulungkot akong isipin na sumagi sa iyong isip na hindi nabigyang tamang-pansin ang iyong blog dahil nakaramdam ka ng diskriminasyon. Dahil kung tunay ang iyong hinala, sana pati mga hosts ng gabing iyon na nominado sa iba't ibang awards ay nanalo na rin dapat.

Sana ay may maingat na pagsusuring gawin bago magbitaw ng mga salita dahil may mga taong nasasaktan, lalo na ang mga naghirap na gawin itong PBA. Wala silang kahit anumang bayad na nakuha dito. Ang pagpuna ay hindi masama. Ngunit may paraan ng pagpuna na mas makakatulong at hindi makakapanakit.

Prudence said...

May pahabol lamang ako.

Lahat naman ng mga bloggers, sa simula, ay walang mga kakilala sa mga dinadaluhang blog events (or awards). Katulad ko, ang una kong event ay ang Blog Parteeh noong nakaraang taon. Nagpunta ako doon mag-isa walang kakilala. Hindi naman ako umupo lamang sa isang tabi at pinanood silang mag-usap, sa wikang Ingles man o Filipino. Tumayo ako at nagpakilala sa kanila. At ngayon, mga maituturing na kaibigan ko sila. Sana kung nagawa mo iyon noong panahon ng PBA, maaaring mga kaibigan mo na din sila ngayon. :)

arpee lazaro said...

kaibigan, lubos kong naintindihan ang nararamdaman mo. nung isang taon, wala rin akong kilala. kuto lang ako na masaya nang makakita ng mga sikat na bloggers at makakain ng libre, hehehe. minsan kasi, nagkakahiyaan lang kung sino ang unang magsasalita. pero maniwala ka sa kin, kapag ang mga blogger nginitian mo, ngingiti rin sila sa yo. sabay pakilala. may mga bloggers na hindi ako pinansin, oo may mga ganyan. pero hindi naman ako tumigil sa pagngiti sa kanila hanggang sa kinausap na nila ako ng kusa. ugali kasi nating Pinoy yung mahiyain sa malaking salu salo, yun bang ayaw makihalo pag walang kakilala. pero buti na lang nagsabi ka ng saloobin mo. pag nakita mo ko ulit, hwag kang matakot na kausapin ako, asahang mong kakausapin din kita. mainam nga kung pupunta ka sa biyernes, octoberfest party sa taste asia! punta ka dun, dala ka ng 2 kaibigan at hanapin mo ko. ipapakilala kita sa lahat ng kakilala ko, para masaya tayong lahat! more power to you and your blog!

Shen said...

Unang-una po ay hindi ako nagdududa sa credibility ng judges o ng mga volunteers... gaya na rin po ng nasabi ko na sa tingin ko ay masamang tingnan kung ang isang taong bahagi ng organizing team ay mananalo o nasa finalist. Wala akong pagdududa o anuman ang nasabi ko lang ay yung sa tingin ko ay sana mabigyan ng pansin sa susunod. Karamihan kasi sa mga patimpalak kapag organizer ka excluded ka talaga na magsubmit ng sarili mong entry.

Hindi rin issue dito kung ako ay may nakilala o wala sapagkat "objective" naman ang layunin natin dito at constructive criticism. Kung babasahin lang nating mabuti ay sinabi ko pa nga na sadyang mahirap mag organize ng ganitong event sapagkat nag oorganize din naman ako ng mga events.

Hindi ko pinagdudahan ang integridad ng mga hurado sapagkat alam ko ang kakayahan nila... sabi ko nga ito ay mga napansin ko lamang at sana ay tingan natin sa objective din na paraan ang artikulong isinulat ko sa blog na ito.

Yung pagpuna ko naman sa "English spokening" ay pansarili kong pananaw kasi mas marami talaga sa mga nag-aaral lalo na sa mga eksklusibong paaralan o mga mayayaman ang gumagawa noon... at ito ay paniniwala at opinyon ko.

Muli't muli gaya ng sinabi ko sa post na ito... "Kudos sa mga organizers for a job well done... aba eh mahirap din naman talaga magorganize ng ganito."

Salamat po at peace out!

Shen said...

Arpee thanks sa invite kaso medyo busy rin tayo kaya hindi ako basta-basta maka oo pagdating sa mga parties and stuff... pero pag may time attend ako ng mga ganyan.

Thanks sa mga nag comments at hindi ba info na rin ito para sa mga iba pa na may nais ding linawin...

Ingatz and Good luck sa ating mga blogs!

Damien said...

Nakakatawa, pero galing sa isang hamak na "lurker" ng PBA e makapareho tayo ng inisip; yun nga lang e pinagbasihan ko ang aking haka-haka batay sa pagbabasa sa mga nanalo sa PBA '07. Ang pakiramdam ko kasi, magiging nominado ka lang kung marami kang kakilala sa pinoy blogosphere, at pag sinabi kong "kakilala" e pedeng nasungkit mo ang mga yun hindi lang batay sa laman at kagandahan ng iyong blog. At sa final round, sa kalimitan, kelangan na lang pumili ng mga hurado kung ano ang pinaka-ok kumbaga. Minsan siguro lamang makakita ng isang blog na talagang nominado at naging popular dahil sa galing mismo nito at hind lang sa "kakilala". Kaya kung wala kang kilala sa pagtitipon na yon, Kudos sayo Shen.

Nilagay din ito sa PBA '08, and artikulong "What Makes for a Good Blog?" [http://tinyurl.com/5dgamk] at yun din naman ang ginamit kong criteria para tingnan ang mga nanalo noong PBA '07. Gamitin kaya natin sa PBA '08?

Shen said...

I am doing this post not for myself nor because I am bitter... I just like to share my thoughts and observations about it.

lateralus said...

Kasalanan ba nila na naglaan sila ng oras para sa PBA? May trabaho din ang mga yan. Malaki ang naitulong nila para sa PBA.


And oh, the last time I checked, English is still an official language in the Philippines.

Benj
http://atheista.net
Winner, Best Personal Blog category
non volunteer
PBA critic since 2007

Shen said...

Hindi ko naman sinabi na kasalanan nila kasi minsan may misinterpretation kapag yung aktibo sa stage at preparation ay siyang mga nananao kaya nga gaya ng nabasa ko na dapat talaga ay ingat ang mga organizers sa ganito.

Tungkol naman dun sa English ito ay pananaw ko kasi minsan talaga mas mahal pa natin ang wikang banyaga kaysa sa ating sariling wika. Hindi ko naman sinabi na bawal mag English.

Congrats nga pala sa pagkapanalo!

The Techno Dome said...

Ito lang ah.

Sa tingin ko, these volunteers naman eh nag-volunteer na after their blogs have been nominated. They don't even know na kasama sila sa finalists until its release, the same day of the event.

Wala naman 'ata talagang organizer na nanalo. There were volunteers na who won, but I believe na deserve pa din nila iyon.

Hindi sila nanalo ng basta-basta. Lahat ay sinala.

Nataon lang na ang mga taong aktibo sa bloggosphere na nag-alay ng malaking bahagi ng oras nila para sa PBA '08 at ang mga taong magagaling din sa bloggosphere ay pareho, sa mga kategorya na nasabi.

Hindi ito dapat masamain. After all, PBA's objective is to acknowledge those who deserve credits at hindi bigyan ng mga parangal ang mga ito dahil lang kakilala nila ang mga ito.

lateralus said...

Actually, people volunteered from WAYYYY back. The awards were actually pushed back considerably due to factors beyond the control of the organizers. It's EASY to be a nominee. I think all the blog owners whose blogs who were put up for nomination via the forms were sent emails regarding their nomination.

That way, the organizers actually give almost everyone involved a chance to call themselves a nominee - which is a good thing for resume purposes. hahaha


I suck at writing in Filipino - and I think this is the norm. I love English more because I'm more comfortable with the language. It is what we use in school and what we use at home. Loving one's language for the sake of loving it (even if it presents no advantage) is tokenistic and has no intrinsic value.

You can question the winners on stronger grounds like merit instead of simply stating that one was a volunteer. I don't agree with how some of the awards panned out, but that's the nature of the PBA - or any literary contest for that matter. It will always be up to the subjective standards of the jurors.

lateralus said...

and yeah, the network blogger awardee blogs at http://fightpompe.com

He was a finalist for the Personal Category for the inaugural PBAs. He wouldn't have been able to go up the steps to the stage as easily as JAYVEE FERNANDEZ (the person who closed the program).

And yes, it's a sponsor award - i.e. the sponsor gets to choose who wins. And frankly, people dont really care about these awards. They are not major awards per se.

Shen said...

The words and tone I used in this article was not accusatory. As you can read in the original article, I often used "sa aking palagay." and "sana mali ako" because the aim of this article is to inquire and elicit information on how the PBA is being done. The end result is not to discredit the PBA but to give more information and a better perspective to others on how it is done.

I would not like to dwell on the issue of the Filipino language but as a Filipino and citizen of this country saying that using Filipino or loving it is tokenistic and the language has no advantage or value is rather very alarming. But that is your view of it and your opinion so let it be.

Shen said...

I would like also to point out that judges should not be subjective as what you mentioned in your comment, "It will always be up to the subjective standards of the jurors.". Jurors should maintain objectivity in their judging because if they are subjective then the whole purpose of the awards is lost.

The distinction between objective and subjective in philosophy normally refers to judgements and claims which people make. Objective judgements and claims are assumed to be free from personal considerations, emotional perspectives, etc. Subjective judgements and claims, however, are assumed to be heavily (if not entirely) influenced by such personal considerations.

Kuya Germs said...

Dagdag ko lang. Di ba ang pumili ng mga nominado ay ang organizers at ang pumili ng winners ay ang mga judges? Dun pa lang napaisip na ako.

Kudos to u shen for a very courageous post. Alam naman natin kung paano magreact ang mga "guilty" :)

Prudence said...

@kuya germs

Ay oo, I very much agree to what you've said. Especially those who react so violently after somebody said that an anonymous commenter had left a message in his blog, thus letting his true identity be known. Anonymity fail? Hehe.

Shen said...

Anu raw? Kaninong anonimity ang nagfail?

Di ko alam what's the fuzz with an inquisitive article that tries to ask humbly... di ko naman siniraan eh,,, nagtatanong lang at naghahanap ng liwanag kasi nga gaya ng sabi ko SANA MALI NGA AKO at BAKA NGA MALI ANG INIISIP KO... kasi nga po baguhan.

Thanks sa mga comments at paglilinaw. This is for everyone to know and be clarified and for sure I am not the only one who has questions.

Kung nababadtrip kayo sa sinulat ko pasensya na pero karpatan ko naman sigurong magtanong at bilang isang blogger suportado ko naman ang mga ganitong awards eh...

Iisang bangka tayo mga kapatid kaya lawakan ang isip... nagtatanong lang... wag OA!

Jojo said...

Magandang Araw Shen!

Si Jojo ito, isa ring blogger na ka-nominado mo sa kategoryang Gest Blog - Commentary. Ang aking blog ay patungkol sa mga may kapansanan sa Pilipinas o specifically sa mga Bingi. Nailagay ko din sa aking blog ang naging karanasan ko bilang volunteer. Inaanyayahan din kitang basahin ito. Ito ang link ng aking post: My Philippine Blog Awards 2008 Experience

Nais ko ring makilala ang ibang mga bloggers kaya ako ay nagvolunteer. Kung sakaling napatingin ka, ako po yung nasa kanang baba na madilim na bahagi ng entablado na nag-ayos ng tropeo at nagpatong nito sa ibabaw ng mesa upang madaling makuha ng dalawang "trophy boy and girl". Ako din po ay nagboluntaryo na ipahiram ang aking fish bowl na hindi ko na rin po nakuha dahil gagamitin pa raw nila. hehehe

Ang aking pagboluntaryo ay walang halong pagnanasa na ako ay manalo. Nais ko lamang pong makatulong sa kanila at makibahagi sa pagtitipong ito. Sumali ako sa grupo bago ko nalaman na ako ay kasama pala sa mga finalist. Wala rin akong personal na kakilala sa kanila kundi sa isang tao na noon ko din lang nakita ng harapan.

Ako ay lubos na natutuwa at nagkaroon ka ng lakas ng loob na magpuna patungkol sa katatapos na patimpalak. Kung babasahin mo ang aking blog post, marami rin akong katanungan patungkol sa katatapos na event. Base sa aking obserbasyon, inaamin ko na mayroon ding mga pagkukulang ang mga organizers gaya ng mga sumusunod:

1. The announcement of finalists were extremely late. Many were not even informed through emails that they were among the finalists, ergo, most of them didn't attend. There were even a lot of those who won that weren't able to come. I knew it because I was with Mark collecting the boxes full of unclaimed trophies. There were also many vacant seats in front.

2. The announcement of the list of judges were also very late. I don't agree with some of the commenters here that knowing the list of judges beforehand would affect their credibility. I am in one with you in saying that the organizers should have posted their names earlier so that their credibilities can be scrutinized. I read from another blog post that this so and so judge should not have been included. One chatter at the live streaming site even commented that if the judge see's that an entry uses .PH, then his (judge) vote surely went to that blogger.

Ang mga pagpuna ay napakahalaga sa ikaaayos ng isang gawain at hindi ito counter-productive. Mabuhay ka Shen!

lateralus said...

There is no consistent and measurable scale by which to judge literary works. The preferences and subjective bias of the judges will be put into play. Saying that it is "objective" is not entirely accurate. A different set of judges will have a totally different appreciation of any given work. The greatness of a literary piece cannot be assigned a value. That is why I consider it to be subjective.


The organizers screened the nominees - 95% of those submitted for nomination WERE nominated.

The judges were the ones who selected the finalists and the eventual winner.

I don't know why you choose to be a lightning rod for bitterness. This is what the post is for so many conspiracy theorists who look for something to hold on to.

Shen said...

First, when somebody judges something they are expected to judge it based on a set of criteria and as objective as possible.

Second, I did not choose to be a lightning rod of bitterness and I do not know why you had been so affected by the article. The article's aim is to ask and to clarify things. It is based on my own views and opinions.

I do not have any conspiracy theory nor I am bitter of anything. I am working on so many things and being bitter about this is not in my priority. I am a writer in my own right and that is why I blog in the first place.

Being a winner or not does not matter. Blogging gives us the opportunity to share our views and it does not mean that the best blogger is better off than anyone else because after all we are all the best in our own ways.

Each of us are no better than anyone... for we all have our own gifts and our own uniqueness. The Philippine Blog Awards is a venue to showcase blogs and that is to be thanked for but it does not mean that people should be prevented from saying anything just because they exert the effort or just because they work so hard.

Hard work is well appreciated but how can we make things better if we will just listen to our own biases and our own assessment of what we have done. The best way to evaluate something and aspire for the better is to look at how people genuinely see what we have done and appreciate these comments.

If a person does not appreciate comments and suggestions from others how can he aspire to be the best he can be or to accomplish greater things in the future.