Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 1, 2008

OFW, Bayani Nga Ba?

Nang mapansin ko ang topic na ito sa Baliuag.Net napatanong din ako sa sarili ko, "Bayani nga ba ang mga Overseas Filipino Workers o OFW o biktima lamang sila ng kahirapan sa ating bansa" Anu nga ba ang sagot? Kapag tinanong ba natin sila kung san nila mas gusto, yun bang kapiling ang pamilya nila o nasa ibang bansa, anu kaya ang isasagot nila?

Iisa lang ang rason kung bakit sila nandoon at iyon ay upang mabigyan ng magandang bukas ang mga pamilya nilang naririto sa Pilipinas. Eto ang artikulo na tinutukoy ko... kayo na po ang humusga. ..

OFW bayani ba talaga? bayani ng alin?
pwinzshady

Ang mga magulang ko ay OFW mula pa nga ako’y bata pa… pinakain at napag aral mula sa mga dolyar na kanilang pinapadala. Kaya naman malaki ang utang na loob namin sa mga bansang nagbibigay opurtunidad sa mga kababayan natin na dapat sana ay ang bansa natin ang gumagawa.

Pero bakit nga ba tinaguriang bagong bayani ng bansa ang mga OFW?

Halina’t suriin natin mabuti… Una na siguro dito ang pagtaas ang halaga ng piso dahil sa kanilang mga dolyar na pinapadala. Dahilan upang maakit ang mas maraming investor ng ibang bansa at magtayo ng mga negosyo sa pinas na pwedeng magbukas ng pintuan sa mga nangangailangan ng trabaho sa atin. Bukod dito ano pa nga ba?

Alam ko na maraming mga negatibong reaksyon ang aanihin ko sa pagsusulat nito. Lalo na kung ang makakabasa ay isa o di kaya naman ay kamag-anak ng isang OFW. Nalulungkot kasi akong isipin na kadalasan ,ang programa ng pamahalaan natin (kahit na alam kung kung tutuusin ay kulang pa nga ito) ay nakatuon sa pagbibigay benepisyo sa mga OFW sa kadahilan na sila daw ay ang “bagong bayani ng bayan”. Halimbawa na lang sa pag utang mo sa banko,… kung nais mong mag tayo ng negosyo, mas bibigyan kang ng importansya kung ikaw ay isang OFW. Pero kung simpleng empleyado ka lang, ituturo ka sa mga private financial institution kung saan imbes na makatulong sayo e lalo ka pang ibabaon sa utang. Wag sanang magagalit pero parang masyadong itinanim ng pamahalaan na ito na napakaimportante ng mga taong nagingibang bansa. Madalas ginagamit na lang ng mga ilang pulitiko ang pangungulila sa kanikanilang pamilya ang pagkakataon para pabanguhin ang mga pangalan nila. Marahil siguro ay likas sa ating pilipino ang pagiging Family Oriented. Kahit ang mga media… madalas sila ang feature article. Minsan tuloy yung ibang OFW, di ko naman nilalalahat, ay lumalaki ang ulo at tingin nila sa sarili ay napakalaki ng ginagawa nila para sa bansa. Parang nilalako pa nga tayo ng gobyerno natin sa pagbibigay ng mga training para sa mga DH di ba…

Pero teka lang, ano nga ba talaga ang dapat Makita ng mga pinoy?

Tama! Bayani nga ang OFW pero bayani sila ng pamilya nila, dahil malaking sakripisyo ang mahiwalay sa pamilya para lang maitaguyod ang magandang bukas ng mga anak…pero wag sanang kalimutan ang mga hanay ng mangagagawang local dito sa pinas. Dahil kung susuriin natin mabuti, ang bumubuhay sa pilipinas ay ang mga buwis na nanggagaling sa dugo at pawis ng mga maliliit na manggagawa. San damakmak na paglabag sa karapatan ng mga mangagawa ang nagaganap dito sa pinas pero bakit di iyon ang pagtuunan nila ng pansin? Di ba, ala naman binabayarang tax ang mga nasa ibang bansa? Kung meron man kakarampot lang. Kung tumataas man ang halaga ng piso dahil sa padala nila, saan nga ba napupunta ito? Di bat pangbayad din lang ng utang na kinurakot at kinukurakot ng gobyerno natin? Kaya naman ganun nalang ang attention na binibigay ng pamahalaan sa OFW dahil kung meron mang may malaking kapakinabangan dito, walang iba yun kung sila. Investor? Ang isang negosyante ay mag nenegosyo kahit na mataas ang palitan ng piso sa dolyar. At pabor pa nga iyon sa kanila dahil dolyar din ang binabayad natin sa kanila, ibig sabihin doble tubo nila dahil sa gain on forex. Pwera pa rito ang bayad sa mga royalties…

Gaya ng sinabi ko, mga magulang ko ay kabilang sa hanay ng OFW at Marami rin akong kaibigan na OFW pero kung sa usaping pagmamalasakit sa bayan, mas proud pa rin ako sa mga labor force na naka base dito sa pinas… dahil mas pinili pa rin naming pagyamanin ang aming mga sarili para sa mas masakripisyo ngunit mas malawak na pagtulong para sa bayan kahit kadalasan ay kakarampot na biyaya ang aming tinatanggap mula sa pamahalaan mapagsamantala at walang pagpapahalaga sa amin.

Sa mga OFW, saludo pa rin ako sa inyo… ako at ang pamilya nyo. Patawarin nyo ako kung may nasasagasaan ankong damdamin sa pagsulat ko nito, pero sa tingin ko over rated ang mga OFW kumpara sa pangkaraniwang local na manggagawa ng pinas.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino! Mabuhay ang tunay na haligi ng ekonomia ng pinas!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

ilovePH2 said...

They are never heroes. They are slaves sent out by the country for a better trade: gross nationa product... and one more thing, sent out for irresponsibility! If the damn government cannot maintain its people why cant it stop its people from multiplying like ants? We are NOT china! We have different culture and a lot of differences. I heard in radio what was the contention of the church for not supporting the contraceptives and abortion...to follow china! Damn! What fools!

Anonymous said...

hero but not totally heroes