Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, September 19, 2008

"Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?", Finalist sa 2008 Philippine Blog Awards!

Habang sinusulat ko ang post na ito medyo napapaluha ako kasi ang maging finalist pa lang ay isa ng malaking karangalan para sa blog na ito at sa akin. Tanda ito na may mga nagbabasa ng blog na ito at mayroong nakakapansin sa mga nilalaman nito. Salamat po sa mga hurado at sa organizer ng Philippine Blog Awards 2008 sa pagkakasama natin sa finalist sa ilalim ng Best Blog - Commentary. Ang karangalan pong ito ay para sa lahat ng Filipino nasaan man sa mundo na nagsasabing hindi pa tayo dapat mapagod subalit dapat bumangon at muling palakasin ang ating bayan.

Nakaktuwa ring isipin na sa isang taong nagdaan at mula noong 2005 na sinubukan kong gawing libro ito ay nabigyan ng pansin kahit papaano ang ideya ng "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuwa at galak... lalo na siguro kung mananalo pa sa category na ito baka hindi na ako makapagsalita.

Pero manalo matalo... sama-sama pa rin tayo at mananatiling malakas ang ating pananalig na tayo ang magbabangon sa ating bansa! Mabuhay ka Pinoy! Mabuhay ka lahing Maharlika!

Eto po ang kumpletong list ng finalists

  1. A Tribute To An Angel
  2. Atheista
  3. Creature Lover
  4. ederic@cyberspace
  5. Filipino Deaf from the Eyes of a Hearing Person
  6. In Defense of the Real CFC
  7. Mongster’s Nest
  8. New Philippine Revolution
  9. Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan?
  10. Pinoy Bochong
  11. Splice and Dice
  12. Standpoint
  13. The Journal of The Jester-in-Exile
  14. The Pelican Spectator

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: