Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, September 7, 2008

Prof. Danilo Arao, Hinamon ang mga Blogger sa WordCamp 2008

"Bloggers should create change." Iyan ang isa sa tumimo sa aking isipan sa pakikinig ko sa Blogging and Journalism Workshop ni G. Danilo Arao sa ginanap na WordPress 2008 sa Dela Salle St. Benilde.

Hinamon ni Prof. Danilo Arao ang mga blogger na tumulong sa pagbabago ng ating bansa at maging mga blogger para sa katotohanan at kabutihan ng ating bansa. Sinabi rin nya na dapat tayong mga bloggers ay magkaroon din ng p[agsunod sa mga Code of Ethics at isa na nga dito ang Blogger's Code of Ethics. Ang "A Bloggers Code of Ethics" ay matatagpuan sa Cyberjournalist.net

Sa bawat pagdaan ng oras ng pakikinig sa kanya ay nabubuhayan muli ako ng loob na may pag-asa pa talaga ang ating bayan. Kung halimbawa sa 400 na blogger ng WordPress na pumunta doon ay 25% o 100 ang magsimula ng blogging for change at dagdagan pa ito ng marami ding bloggers mula sa Blogger, Typepad, Multiply at iba pa... hindi ba makakagawa tayo ng tunay na panawagan para sa pagbababago?

Subalit hindi lang blogging ang kailangan kundi mga simpleng aksyon din na magsisimula sa ating sarili upang mabagao ang ating lipunan. Tayo bilang mga blogger ay may pananagutan sa bawat sinusulat natin sapagkat sa ayaw man natin at sa gusto tayo ay bahagi na ng mga pinangagalingan ng ideya at impormasyon ng ibang tao.

Maraming salamat G. Danio Arao at susuporta po ako sa Pinoy Bloggers Action Day. Para po sa mga gustong bumisita sa blog ni Prof. Arao eto po ang url risingsun.dannyarao.com

DANILO ARA√ĎA ARAO is an assistant professor of the Department of Journalism at the University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) in Diliman, Quezon City where he is concurrent director of the Office of Research and Publication (ORP). He is a member of the Board of Editors of Bulatlat, a weekly online news magazine and writes a column for Pinoy Weekly.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Danny Arao said...

Maraming salamat sa post mo. Dahil mas sikat ang blog mo sa akin, sigurado akong mas marami kang maeengganyong gumawa ng makabuluhang blog entries. Mabuhay ka at sana'y magtagumpay ka sa proyekto mong Pinoy Blog Movement for Change and Action. Maganda itong inisyatiba.