Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, September 26, 2008

Sino si Juan dela Cruz (Who is Juan dela Cruz?)

Sino nga ba itong si Juan dela Cruz at saan nanggaling ang katawagang ito? Siya ay karaniwang pinapakita bilang isang lalaki na naka camisa o Barong Tagalog at may suot na salakot. Marami ang inaakala na ang pangalang Juan dela Cruz ay siyang pangalan ng tinatawag na Juan Tamad subalit ang dalawa pong ito ay magkaiba. Alam ba ninyo na hindi isang Filipino ang nagbansag at nagbigay ng buhay sa kanya kundi isang Scottish?

Opo tama po ang nabasa ninyo. Ang manlilimbag na si R. McCulloch-Dick ng The Philippine Free Press ang unang gumamit ng pangalang ito. Naisipan niya ito matapos mapansin na sikat ang naturang pangalan at karaniwan ding makikita sa mga talaan ng korte at mga police records noon. Mula noon ay sumulat sya ng mga maiikling kasabihan tungkol kay Juan dela Cruz sa Philippine Free Press.

Karaniwang makikita si Juan noon na nagkukwento ng kanyang mga maliliit na krimeng nagawa. Sa kalaunan ay pinalawak din naman ni McCulloch-Dick ang kanyang pananaw kay Juan. Mabuti naman at naisipan nyang baguhin ang konsepto ni Juan bilang isang mapagkaibigan, mapagpakumbaba, may respeto at masipag na tao. Siguro naisip nya hindi naman talaga kriminal ang karamihan sa mga Pinoy.

Ang imahe naman ni Juan dela Cruz na nakasuot ng Barong Tagalog, salakot at tsinelas ay unang ipininta noong 1912 ng isang Filipino na si Jorge Pineda at inilimbas sa Philippine Free Press.

Salamat po sa wikipilipinas.org para sa malamang impormasyon na ito at gayun na rin sa riffology's journal.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Diannelat said...

di nman yan ehhhhhhhh



gus2 namin iz 'd talambuhay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!..........................

Shen Brood said...

Wala naman talambuhay tungkol kay Juan dela Cruz kahit san ka po maghanap :)