Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, September 21, 2008

Student Voices

The youth constitutes the largest portion of our society. While they may be young and inexperienced, they are a force to be reckoned with. They are a silent majority whose voices are waiting to be heard, and once they speak their mind, they echo with it wonderful and groundbreaking ideas that could change the current status quo.

Here in my personal blog, I am dedicating space to the youth for their voices to be heard. I am doing this so that other people from other age groups may get to learn something from what they have to share. Please feel free to read and comment and share your own experiences as well.

Last July 28, 2008, the Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo delivered her 7th State of the Nation Address (SONA). Here is what selected youth from the Sixth Grade sections of Woodridge College, Bacoor, Cavite would have to say about it:

Edward Joseph Magsambol of Grade 6 - Cycad wrote:

Isa sa mga opinyon ko sa SONA ni Pangulong Arroyo ay ginawa niya lahat ng kanyang makakaya upang mapabuti at mapaunlad ang Pilipinas. Pero hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago ang ekonomiya at dinadanas ng bansa ngayon tulad nga ng edukasyon. Patuloy ang pagtaas sa presyo ng bilihin at sa kahirapan ng mga Pilipino ngayon. Kung pwede lang sanang pakiusapan ang Pangulo na gumawa ng mabuting paraan upang makalagpas dito sa dinadanas ng bansa ngayon.

Kalahating porsyento ang naitalang naghihirap ngayon sa bansa mula Marso 2008. Di tulad dati na di kumakalahati. Ito ba ay dahil sa Pangulo natin ngayon o sadyang di lang talaga tayo kumikilos sa sariling atin?

Sa loob ng walong taon na pamamalakad ni Pangulong Arroyo, ang Pilipinas ay nanatiling isang mahirap na bansa. Sang-ayon sa 50% sa 88.6 milyong Pilipino ang nagsasabing sila ay mahihirap noon pang Marso 2008. Ito ay 4% na mas mataas kumpara noong isang taon. Humigit kumulang 2.9 milyon pamilya o 14.5 milyong Pilipino ang nakararanas ng gutom.

Ito din ba ang sanhi kung bakit karamihan ng mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa Pangulo, ngunit di nila alam na di nila maaasahan ang tumatayong Pangulo ngayon?

Kung tutuusin, walong taon na itong ginagawa ng ating pamahalaan ngunit wala pa ring ipinagbago ang buhay na mga taong nakararanas ng napakatinding kahirapan hanggang ngayon. Hindi ko maramdaman ang sinseridad ng administrasyong ito dahil sa dami ng mga kabataang naghahanapbuhay at di nag-aaral upang magkaroon lamang ng kakarampot na kita at pambili ng pagkain. Sana ay mas madagdagan ang mga programa sa mga vocational courses para magkaroon ng pagtutuunan ng pansin ang mga kabataang naliligaw ng landas. Ito ay upang maituwid ang kanilang landas at magkaroon sila ng magandang buhay at kinabukasan.

May mga programa daw ang pamahalaan tungkol sa pagsulong sa mga maliliit na negosyante. Ngunit bakit nababahiran ng katiwalian sa paggamit ng pondo dito. Hindi ba dapat ay siguraduhin ng pamahalaan na lahat ng pondo ay nagagamit ng maayos? Bakit ang malalapit lamang sa Pangulo ang nasasangkot sa mga iregularidad sa paggamit ng mga pondo tungkol sa pagpapautang sa mga maliliit na negosyo?

Dapat ay may mga proyektong pangkalusugan din na mapapakinabangan ng lahat tulad ng maayos na pagamutan, hindi lamang dito sa Metro Manila kundi lalo na sa mga liblib na lugar sa Pilipinas kung saan ang kaalaman sa wastong kalusugan ay kulang.

Marianne Ethel Garay of Grade 6 - Cycad wrote:

Ang SONA ng Pangulo ay naglalahad ng mga nagawang proyekto, mga kaganapan o accomplishments ng pamahalaan, mga programa para sa kaunlaran at solusyon o kasagutan sa mga kasalukuyan problema ng ating bansa. Maganda ang mga programa at layunin ng Pamahalaang Arroyo ngunit hindi maiiwasan na may lumabas na bida o kritiko sa mga gawain ng pamahalaan lalo na at iba't iba ang pananaw ng bawat tao.

Mahirap talagang makuha ang pagsang-ayon ng mga tao. Mabuti na lang at matibay ang paninindigan at hindi iniinda ng ating Pangulo ang mga taong bumabatikos sa kanya. Talaga namang walang kongkreto o perpektong solusyon sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Ang sa tingin ng pamahalaan na okay o tamang solusyon ay mali naman para sa mga kritiko ng nito. Ito ay sa kadahilanang walang pagkakaisa ang mga Pilipino.

Marami ang gustong pumapel, gaya na lamang sa isyu ng VAT (Value Added Tax) na siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa aking pananaw. Siguro ay dapat bawasan lamang at hindi tuluyang alisin ang buwis na ito dahil masisisra ang programang pangpinansyal ng pamahalaan. Matagal na pagsusuri at pag-aaral ang ginawa ng mga ekonomista at mga finance managers bago maipasa ang VAT. Dahil sa masusing pag-aaral na ito, ang VAT ay nakapagbigay ng kumpiyansa sa mga negosyo na lalo pang mamuhunan sa bansa.

Ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay hindi kontrolado ng pamahalaan. Walang magagawa ang pamahalaan diyan. Sa tulong ng pamahalaan at mamamayan ay tumaas ang piso at napigilan nito ang higit pang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang isa pang napuna ko ay ang tungkol sa microfinancing. Maganda ang layunin ng nito ngunit huwag naman sanang matulad ito sa mga nakaraang panahon gaya noong dekada 70 kung saan ang pamahalaan ay nagpautang sa mga mangingisda ngunit wala namang maayos na implementasyon. Binigyan ang mga bangko ng pautang ng Development Bank of the Philippines (DBP) upang ipautang sa mga mangingisda ngunit walang ni isa ang nabigyan ito. Maraming mga di karapat-dapat na tao ang nakinabang sa proyektong iyon. Sana, sa kaso ng microfinancing ay hindi maulit ang ganitong pangyayari.

Ang isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansa ngayon ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino. May kani-kanyang layunin ang bawat isa na para sa sarili lamang at hindi para sa kapakanan ng bansa. Laganap at matindi ang katiwalian sa bansa. Nasa sistema na talaga ang gawaing ito at tila mahirap nang sugpuin at alisin.

Sabi nga ng isang Koreano, mayaman ang ating bansa. Malawak at marami ang ating mga likas na yaman at magagaling mga tao. Subalit karamihan sa ating mga manggagawa ay napapakinabangan ng ibang bansa. Aniya, ang malaking kakulangan ng ating bansa ay ang "Pagmamahal ng Bawat Pilipino" sa Pilipinas. Sa halip na magtulungan, puro puna at batikos ang ating ibinibigay. Aklas dito, aklas doon. Lahat ay sinisisi sa gobyerno. Wala na ngang ginagawa o naibibigay na kaunting tulong puro batikos, pagpupuna at paninisi pa ang ibinibigay sa pamahalaan. Walang pagkakaisa at pagmamahal ang bawat Pilipino sa bayang Pilipinas. Para umunlad at matupad ang lahat ng layunin at programa ng pamahalaan, kailangan natin ay pagkakaisa at pagmamahal sa bayan!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: