Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 9, 2008

Survivor Philippines is Survivor Thailand

Siguro excited na kayong lahat sa Survivor Philippines na malapit ng ipalabas sa GMA 7 pero Survivor Philippines nga ba ang dapat pamagat nito? Wala ba kayong napapansin sa mga lugar? Pilipinas ba ang nakikita nyo? Filipino ba ang mga katawagang ginagamit?

Wala ni isang elemento ng pagka-Filipino ang Survivor Philippines maliban na lang sa mga challenger na kung titingnan pa nga natin ay maaaring hindi rin purong Pinoy. Pero sino nga ba ang puro sa Pilipinas, wala naman talaga. Ang masakit lang dito sa lahat ng Survivor na ginawa maaring ito ang hindi ginawa sa sariling bansa na nakalagay.

Ang Survivor Philippines ay naganap sa Ko Tarutao, na kung saan doon din ginanap ang Survivor: Thailand. Ang 18 na kalahok ay maglalaban-laban at nahati sa dalawang tribo na pinangalanang Nâak (นาค) at Jàràkây (จระเข้), na ang ibig sabihin ay ahas at buwaya. Astig di ba? Survivor Philippines pero ang lugar at pangalang ginamit ay hindi sa atin. Wow! Kabilib-bilib talaga!

Napapaisip lang ako, wala bang pwedeng lugar sa Pilipinas para sa seryeng ito? Sa 7,100 na isla, ni isa ba ay walang kwalipikado na maging lugar para sa Survivor Philippines? Imbes na kagandahan ng Pilipinas at ng ating kultura ang maipakita at maipagmalaki sa mundo ay ibang lugar pa ang ating pinapakita.

Dapat ba tayong humanga sa Survivor Philippines? Para sa akin hindi ito kahanga-hanga. Isa itong pagtalikod sa ating kultura at bansa. Sayang hanga pa naman ako sa GMA 7 at isa ako sa mga talagang saludo sa mga palabas nila pero dito ang masasabi ko lang sablay talaga.

Siguro pwedeng masabi na maari na hindi pinayagan ng Castaway Productions na sa Pilipinas ito gawin pero dapat ba na pati pangalan ng tribo ay hindi Filipino?

Malaya po kayong magkomento at magpahayag ng inyong opinyon kung mali po ang aking pagkakaintindi.

Survivor Philippines should never be called by that name... it is Survivor Thailand!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

3 comments:

armas313© said...

i love this post...
i totally agree about what you said na out of more than 7K islands here, ala bang pwedeng ganapan ng show?...
keep it up!!!

Shen said...

Kaya nga eh... pati mga ginamit na scenery.. mga gamit lahat wala man lang pagka Pinoy... nakakahinayang or kahit papaano nakaka frustrate din na naging ganun ang konsepto... bakit natin hinayaan na maging ganun?

Survivor Philippines could have used Filipino tribal names, icons, figures and even puzzle games... pero puro Thailand.

Anonymous said...

FYI..


At first, i had the same opinion.. and i researched why did Survivor:Philippines has to be in another country. I found out that it is in the terms and conditions of the Survivor franchise that the country to participating needs to have a venue other than their own. Survivor: Thailand was of United States..not Thailand..

HTH.