Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, September 25, 2008

Ugali ni Juan: Bahala Na Mentality

Bahala na bukas! Bahala na ang Diyos! Bahala na si Batman! Yan ang mga salitang karaniwan nating maririnig sa kapwa natin Filipino na hindi maisip ang sagot sa tanong na Ano. Anu ba ang gagawin mo? Ang karaniwang sagot ay BAHALA NA. Saan ba natin nakuha ang masyadong pag-asa sa bahala na at ang parang walang direksyong tugon sa mga tanong na ANO at PAANO?

Sabi sa mga aklat at mula pa sa panahon ng mga Kastila ay namana raw natin ang Bahala Na Mentality sa kanila. Siguro dahil marami noong panahong iyon ang hindi alam kung ano ang magiging kinabukasan nila o kahahantungan kaya sinabi na lang nila na ganun.

Marami sa atin ang tila hindi alam kung ano ang magiging bukas o tila walang plano sa buhay at aaminin ko tila yata kasama ako dyan. Parang nakakatamad mag-isip ng solusyon sa mga problema mo kapag wala ka namang maisip na solusyon. May mga pilosopo nga na nagsasabing ang dapat naman talaga nating intindihin ay ang ngayon sapagka't kapag inayos natin ang bawat araw ng ating buhay ay magiging maayos naman tayo bukas.

Mayroon ngang mga tao na tinatawag nilang "Future thinker" at sa kakaisip ng kanilang hinaharap ay nakakalimutan ang ngayon... nawawalan ng oras sa pamilya... sa mga kaibigan at maging sa kanyang sarili. Hindi ko naman sinasabi na masamang paghandaan ang ating kinabukasan ang sa akin lang huwag namang masyadong nakatutok doon sapagka't baka di natin mamalayan na ang atin palang nasisira ay ang ngayon.

Ang Bahala Na ay sagot ng mga taong tinatamad isipin ang sagot sa isang tanong na wala naman silang maisagot. O di ba ang linaw noon. Maaari itong maging masama o mabuting ugali... ang sa akin lang dapat ay gawin natin ang ating buong makakaya sa bawat araw ng sa gayon ay magkaroon tayo ng magandang bukas.

At atin pong tandaan na ang ating magandang bukas ay apektado rin ng ating mundong ginagawalawan kaya nga anumang dami ng pera mo o anumang laki ng tagumpay mo kapag hindi ka nakialam sa lipunan ay ikaw rin ang magiging biktima nito.

Salamat sa pagbabasa!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: