Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, September 27, 2008

Wrong Grammar Nga Ba?

May nabasa ka na bang pangungusap sa Filipino na napansin mong mali ang pagkakagawa? Nakapansin ka ba ng mga pag-uusap na tila nakakatuwa kapag inisip mo ang lohika? Eto po ang ilan sa kanila at siguradong narinig nyo na at nabasa ito...

Itali mo ang kalabaw sa puno.

Sige nga at subukan mong itali ang kalabaw sa puno. Sa kunat ng balat at sa laki nito baka hindi mo man lang sya maibuhol o maikapit sa puno.

Punasan mo ng sipon ang bata.

Sino ba naman ang may gusto na mapunasan ng sipon? Palagay mo ba ay papayag ang iyong kapatid na punasan mo sya ng sipon?

Hanapin mo yun! Pag di mo nakita, makikita mo sa akin.

Yan ang karaniwang pagalit na wika ng ating mga magulang kapag mayroon tayong naiwala o kaya ay mayroon silang hindi makita sa bagay. Tama ba namang ipahanap ang isang bagay na nasa kanila na pala?

Anak pag may dumaang sasakyan, tumabi ka!

Aba eh anung klase namang magulang yan balak pa yatang patayin ang anak? Isipin mo na lang may sasakyan na nga tatabi pa sya!

Pabili nga ng Colgate. Yung Close-up ha!

Saan ka nakakita ng bumibili ng Colgate pero Close-up ang gusto? Dito lamang po yan sa atin. Sa sobrang sikat ng Colgate ay naging kahalintulad na sya ng salitang Toothpaste sa ating bansa.

Magpa Xerox ka ng mga ito.

Yan ang karaniwang binabanggit o tawag natin sa pagpapa photocopy. Alam nyo po ba na ang Xerox ay isang tatak ng copying machine.

Eto pa ang isa na karaniwang masasaksihan din natin kapag nagmamadali ang isang kausap...

  • Tanong: Saan ka papunta?
  • Sagot: Maglalaba
  • Tanong: Anung gagawin mo?
  • Sagot: Sa ilog.


Kakaiba anu? Kakatwa pero totoo hindi ba?

Ilan lang po yan sa aking mga napansin. Kayo ba mayroong mga napansing ganito? Share naman ninyo please.

Salamat!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: