Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, October 31, 2008

Ang Kultura ng Banda ng Kabataan (Youth Band Culture)

Kagabi umatend ako ng Jam Kabataan dito sa amin sa Baliwag at maganda naman ang mga tugtog nila maliban na nga lang sa ilang kanta na talagang pwersado ang ngala-ngala ng bokalista sa pagsigaw ng lyrics nung kanta eh naintindihan ko naman at naenjoy. Late nagsimula... may mga umiinum na below 18 at syempre may mga sumisigaw at may mga nahulihan ng panaksak. Kapag yan ang maiisip mo mapapatanong ka kung may pag-asa pa nga ba ang kabataan lalo pa at proyekto ito ng SK Federation?

Malakas ang panghatak sa mga kabataan ng mga gig at tugtugan. Mga gig at tugtugan na kalimitan ay kasama ang alak, sigarilyo at sex. Iyan ang kulturang naipamana ng tinatawag nating Rock Culture ang Estados Unidos at Europa na mukhang sa pagtagal ng panahon ay lalong tumitindi sa ating bansa.

Di ko alam kung gaano sila karami o gaano kalawak ang sakop ng ganitong kultura sa kabataang Pinoy. Pero base sa nakita ko kagabi mukhang medyo marami rin sila. Hindi lamang naman sa ganitong kultura makikita ang kultura ng alak, sigarilyo o sex kundi maging sa mga seryosong pagtitipon. Mga seryosong pagtitipon ng kabataan na kung saan mukhang sangkap na talaga yata ang sex sa anim na naging pambansang pagtitipon nito. Hulaan nyo na lang kung anbo ang tinutukoy ko.

Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa. Lalo ring hindi ko sinasabing perpekto ako. Umiinom ako at sa totoo lang mataas din naman ang appetite ko pagdating sa sex. Subalit inilalagay ko sa lugar at sa konteksto. Kapag may mga event dapat naman siguro ay hindi umiinom ang mga organizer ng event at syempre kapag Sangguniang Kabataan o SK ang nangunguna dapat kunin ang pagkakataaon para maimpluwensiyahan ang kabataan para sa kabutihan.

Bakit magulo ang karamihan sa mga gig? Simple lang naman ang dahilan... bukod sa magkaibang genre ay dahil marami ang nakainom at imbes na sa tiyan inilagay ang alak ay sa ulo.

Marasap makinig ng musika at magandang pumunta sa mga gig pero sana isang mas makabuluhang kultura ang ating makita. Isang kultura na lilinang sa kabataang sinasabing pag-asa ng bayan.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Anonymous said...

dalawa pala tugtugan kagabi sa baliuag? kung magkaiba ang Jam Kabataan at yung Creepy Halloween. wala akong napuntahan alinman sa dalawang tugtugan pero kung nagkaroon ng pagkakataon ay sa Creepy Halloween ako pupunta. talaga naman nakaka-disappoint na pumunta sa mga mainstream na tugtugan dahil karamihan naman sa mga tugtugan sa mainstream ay puro tungkol sa buhay pag-ibig ang tema at mga pa-cute ang banda.

kaiba sa underground music scene na may mga banda na mulat sa mga pangyayari sa politika at lipunan natin at isinasalin sa mga kanta ang mga gustong sabihin at ipahayag. meron din naman mga inuman sa underground scene pero ang mga tunay na taga-tangkilik nito ay may mahigpit na disiplina. kung may mga pagkakataon man na nagugulo ang eksena ay dahil sa ibang mga kabataan ng nagpupumilit maki-join sa eksena pero sablay naman kung ang aktitud sa undergorund scene ang pag-uusapan.