Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, October 10, 2008

Kasama Pa Rin sa Team RP-FlippyKnows Blogger's Night Kahit Nasa Bahay

Hindi ako personal na nakapunta sa TEAM RP-FLIPPYKNOWS BLOGGERS NIGHT ngayong gabi dahil nga malakas ang ulan dito sa amin pero nagulat na lang ako sa tinext sa akin ni Andy. Ako raw pala ang magiging speaker para sa last portion ng Blog Workshop na may titulong Blogging For A Cause. Sabi ko naman, "Papaano yun eh andito ako sa bahay"? Pero dahil nga sa galing ng teknolohiya ay nagawa kong makapagsalita sa mga kablogs natin doon gamit ang skype at isang webcamera. Salamat kay Nitya Lila, kay Andy at sa mga bloggers na andun... at nagtyagang pakinggan ang mga sinabi ko.

Sa kabila ng hindi ko masyadong maintindihan mga sinasabi nila dahil medyo choppy ang connection ok naman ang kinalabasan. Astig talaga ang skype pagdating sa audio quality kaya walang naging problema. Sabi ni Andy ikinabit pala sa sound system ng FlippyKnows kaya malakas talaga yung sound. Pwede pala yun ... at first time kong naranasan yun.

Nagshare ako ng tungkol sa BROOD at kung paano ito nagsimula ganun na rin kung paano ako naging website designer at blogger. Binigyan ko rin sila ng tips on blogging and monetization... at syempre ang hamon na dapat ang mga bloggers ay dapat mga change makers din at gumagawa ng kaibahan para sa mundong ito.

Sa pagkakataong ito may mga bago akong nakilala si Nitya Lila na isa sa may-ari ng FlippyKnows at isa rin palang astig na singer. Siya ang nagrevive nung kanta ni Florante bilang Ako'y Isang Pinay. Ang pangalawa kong nakilala ay si John Paul Manahan na isa ring blogger at mga gigs naman ang focus ng blog nya.

Isa pa sa mga nakilala ko ay si Sam na owner naman ng Fix My Personal Finance Blog. Astig ang blogger na ito isipin mo yung 2 ad placements nya ay kumikita na ng higit sa US$400. Nasa sipag at tiyaga lang talaga para kumita ka rin sa blogging.

Salamat sa FlippyKnows at kay Andy syempre kasi nabigyang posibilidad ito. Ganun din kay Nitya sa tgaya at syempre sa mga bloggers na andun... Good luck sa ating lahat at sana makasama namin kayo sa World Creative Youth Forum (WCYF) 2009.

Sa mga gusto mag add sa akin sa ym o sa Facebook o Friendster add nyo lang ang phil_lenin@yahoo.com

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Roland Gilbert said...

I was actually there and your talk actually gave me tons of ideas, plus the fact that it was fun because you were doing your talk using cyberspace! I hope you don't mind, I kinda made use of your blog site on one of my own posts. the sites are the ff:

http://tensai-0313.blog.friendster.com/

http://tensai0313.multiply.com/journal/item/2/2

Although pareho lang naman yung content nila... Anyway, Just keep up fighting for what you believe in and don't worry, you got one here who is not tired of being a Filipino

Shen said...

zThanks din ng marami kasi noong una talaga takot ako kasi nga hindi ko pa nagawa na magtalk using cyber space sa mga tao na blogger din. Natatakot ako kasi baka hindi maging maganda ang feedback at baka katawa-tawa... pero ng matapos na natuwa naman ako kasi naging effective naman pala... at salamat sa inyo sapagkat ang mga tulad ninyo ang nagiging inspirasyon ko...

Kayo ang mga kablog ko!

Thanks sa pagpost ng komento sa blog na Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan? at salamat sa napakagandang artikulong sinulat mo... tunay nga na dapat tayong magtulungan para maging maganda ang ating bayan... kung gusto mo email mo ako at invite kita sa blog na sinimulan ko sa wordpress ang http://pinoyblogmovement.org

Baka nga pala gusto rin ninyong sumulat ng artikulo para sa www.worldcreativeyouthforum.net .. Salamat ulit!