Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, October 11, 2008

Paano ba Kumita sa Blogs (How Will I Earn in Blogging)?

Kagabi habang nag-uusap kami ni Nitya Lila ng FlippyKnows sabi niya ay ibahagi ko raw sa mga bloggers na nandun kung papaano mamonetize o kung papaano ba kikita sa blogging. Sa totoo lang hindi ko dati pinapansin ang pagkita sa blogs sapagkat sa tingin ko noon ay napakahirap hanggang sa makita ko na totoo nga pala ito. Hindi ako kumikita pa ng malaki sa blogging sapagkat hindi naman ito ang pangunahin kong dahilan sa pagsusulat pero sa mga gustong sumubok eto ang ilan sa mga rekomendado kong sites para kayo ay kumita.

Unang ok na site ay ang PayPerPost. Sa site na ito ay kumita na ako ng mahigit sa $120. Magsusulat ka lang at kapag naaprubahan pera na iyon na dederetso sa iyong Paypal Account. Mas mataas ang ranking sa google ng blog mo mas maraming opportunity ang pwede mong kunin.

Pangalawa na ok ay ang Project Wonderful Ads. Isa itong ad network at kumita na ako dito ng mahigit sa $20. Mababa pero sa totoo lang hindi ko pa masyadong nmapapagtuunan yan ng pansin. Ang maganda sa Ad Network na ito ay hindi mo na kailangang maabala pa sa pagsetup nung mga ads at ang kita ay depende sa ilalagay mo.

Ang pinakahuli kong rekomendadong blog monetization ay ang Sponsored Reviews. Dito naman ikaw ang magbibid sa maraming advertisers na pwede mong gawan ng review at kapag ok sila sa alok mo ay kikita ka na. Tandaan lang na tingnang mabuti ang rating. Mas mataas na rating ibig sabihin mas ok sila.

So para sa mga gustong kumita kahit papaano sa kanilang blogging subukan nyo na ang PayPerPost, Project Wonderful Ads at Sponsored Reviews.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Kimberly Descalsota said...

Unemployed Pinoys can earn while enjoying time with their family and loveones.
Unemployed is Brave and a choice to be a Freeman.
Join us today at http://www.unemployedpinoys.com