Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, October 15, 2008

Poverty is a Human Rights Violation: Blog Action Day 2008 Philippines

Simula ng maging miyembro ang Brotherhood of Destiny (BROOD) sa Global Call to Action Against Poverty (GCAP) noong 2006 at makiisa sa taunang Stand Up Against Poverty sa Quezon Memorial Circle ay mas lumalim ang pananaw ko tungkol sa isyu ng kahirapan. Para sa akin ay isang malaking paglabag sa karapatang pantao ang kahirapan. Karapatan ng bawat tao ang kumain ng tama at wasto, karapatan niya ang magkaroon ng desenteng tirahan at trabaho. Wala dapat tao sa Pilipinas o sa mundo na lugmok sa sukdulang kahirapan. Kaya nga ngayong Octubre 15 kasama ng mga Filipino bloggers at ng blogging community sa buong mundo ay nakikiisa ako sa Blog Action Day 2008 Philippines. Paano tayo makakatulong? Eto...

Unang-una ay nanawagan ako sa inyong lahat na makiisa at lumagda sa GCAP 50-50 Campaign. Ang inyong lagda ay isang malaking tulong upang bigyang pansin ang isyu ng kahirapan sa ating bansa.

Pangalawa ay ang pagkakaroon ng mas malalim na pananaw ukol sa isyu ng kahirapan. Kaya nga bilang pakikiisa pa rin sa Blog Action Day 2008 Philippines ay narito ang isang dokumentaryo mula pa rin sa GCAP na pinamagatang Missed Targets...


GCAP: Missed Targets (part 1)


GCAP: Missed Targets (part 2)


GCAP: Missed Targets (part 3)


At pangatlo ay syempre ang iyong pagkilos at pak aksyon. Hindi natatapos sa paglagda at panunuod ang tungkulin ng bawat isa kundi sa pag aambag ng mga simpleng bagay para maiangat ang buhay ng ating mga kababayan. Ang pagbabago ay nasa bawat isa.

Saludo po ako sa mga kasamahan nating blogger sa Blogger's Kapihan sapagkat tunay kayong Okey Ka, Pinoy Ka! at para sa inyo ang badge na ito... sana ay inyong magustuhan.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Pasyon, Emmanuel C. said...

true. mahalaga ang diskusyon para mapaunalad ang ideya, at sa gayu'y pamamaraan ng pagtugon sa isyu ng kahirapan. pero kahit buong dekada tayo mag-diskusyon walang mangyayari kung walang kikilos.

p.s. astig pala si M.L. King

Shen said...

Tama ka dyan.. napakahalaga ng pagkilos sapagkat nasa pagkilos at pag aksyon ang solusyon sa problema ng kahirapan.