Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, October 19, 2008

Utak o Produkto ang Nakakagaling? (Suggested Experiment on the Power of the Mind)

Pupunta na dapat ako gym pero inihabol ko muna ang post na ito kasi baka makalimutan ko. Naisip ko lang ito dahil padami na ng padami ang mga produktong nagsasabi na nakakagaling sila ng sari-saring sakit at may mga nagpapatotoo nga dito. Eto ang isang naisipan ko na pagsusuri na pwedeng gawin ng sinuman upang matingnan kung ang nakakpagpagaling nga ba ay ang produkto o ang ating utak. Hindi ko pa po ito nasusubukan pero balak ko ring gawin.

Eto ang mga kailangan...

1. Kailangan mong humanap ng siguro mga 20 tao na may nararamdaman na hindi ganun kadaling pagalingin. Pwedeng ulcer o kaya ay maliit na bukol kung saan man.

2. Kailangan mong gumawa ng lalagyan na pwedeng paglagyan ng tubig at dapat ay selyado iyon. Wala kang ilalagay doon kundi tubig lamang.

Anu ang gagawin?

1. Ibigay ang bawat tubig sa 20 tao na iyong nakalap. Sabihing sa pamamagitan ng pag-inom nito sa loob ng isang buwan ay gagaling sila o makakaramdam ng pagbuti ng kanilang karamdaman. Wag kang maniningil ng anuman at sabihing libre lamang ito at safe kasi tubig lamang na pindaanan ng natural na magnet ng mundo ang laman nito.

2. Sabihin mo na marami na ang gumaling at kasama ka doon. Dati kang may bukol sa kung saan man o anumang sakit tulad ng migraine pero dahil dito ay gumaling ka.

3. Hayaang lumipas ang 10 araw, 20 at 30 araw. Bisitahin sila kada sampung araw at tanungin ang pakiramdam nila.

4. Itala ang resulta at gumawa ng konklusyon.

Paalala: Siguraduhing kakilala ang iyong kakausapin at wag kang maniningil ng anuman sapagkat baka magkaroon ng problema kapag naningil ka o sa hindi mo kakilala ito ginawa... pero nasa sa iyo pa rin yoon.

Hindi ko po ito isinulat upang kontrahin ang mga umuusong kompanyang ganito kundi upang tingnan lamang kung anu ba talaga ang nakakagaling. Kasi baka naman sa pamamagitan lang ng pagkondisyon ng ating utak na gumaling ay talagang gagaling naman pala tayo.

Ito ay isa lamang pong pagsusuri... hindi ko sinasabing hindi totoo ang mga produktong nagsasabing nakakagaling sila ng kung anu-anong mga sakit.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: